DINALA ng TV5, ang Philippine Olympic Network, ang Sochi 2014 Winter Games nitong nagdaang dalawang linggo ng Pebrero kung saan tampok ang pinakamagagaling na atleta sa buong mundo.
At isa mga lumahok sa Sochi at nagdala ng bandera ay si Michael Christian Martinez, ang unang figure skater mula sa Pilipinas at Southeast Asia.
Ngayong Sabado, mas lalo natin makikilala ang nag-iisang pambato ng Pilipinas sa Sochi 2014 Winter Olympic Games sa tulong ni Chiqui Roa-Puno.
Nandiyan para magkwento ang ang mga kaibigan, pamilya at coaches ni Michael na nakita ang potensyal ng isang future Olympic figure skater.
Sinundan ng TV5 si Michael sa kanyang paglahok sa Olympic sa Sochi, Russia na tinagurian pinakamalaking laban sa buhay niya bilang atleta.
Mas lalong naging sikat si Michael sa kanyang pagbabalik noong Pebrero 23 kung saan libo-libo ang bumati sa kanyang pagdating.
Marami din ang nagpunta sa mga SM Ice Skating rinks para ipakita niya ang galing sa yelo. Panoorin ang special dokyu, Hero on Ice: A Michael Martinez Special ngayong gabi, 6 p.m. sa TV5.
( Photo credit to INS )