KAILANGAN na mailabas ni World Boxing Organization (WBO) Intercontinental super bantamweight champion Genesis “Azukal” Servania ng Pilipinas ang lahat ng natutunan sa isang buwang paghahanda sa USA at Mexico.
Ito ay dahil ang kanyang makakalaban na si dating World Boxing Association (WBA) super flyweight champion Alexander “El Explosivo” Munoz ng Venezuela ay naghayag ng kahandaan na ipakita ang eksplosibong porma bukas sa Grand Ballroom ng Solaire Resort & Casino sa Parañaque City.
“This is not an easy fight. But I am extremely prepared physically and mentally for this fight. My advantage is my experience having fought different world champions. I feel strong and I hope everyone will enjoy this fight,” wika ni Munoz.
Ang huling laban ng 35-anyos na si Munoz ay noon pang Mayo 4 bilang undercard sa laban nina Floyd Mayweather Jr. at Robert Guerrero. Natalo noon si Munoz kay Leo Santa Cruz.
Matapos nito ay nagplano na siyang magretiro at nagnegosyo na lamang hanggang makatanggap ng tawag para sa labang ito.
“I thought this is a chance to make a comeback. I believe I still have what it takes to be a world champion again. I trained for three months and came here to win. This is for my country, Venezuela, and for my family,” sabi ni Munoz (36-5, 28 KOs).