School loan mula sa SSS

NABASA ko sa internet na ang SSS ay may school loan. Gusto ko sanang ma-avail ang loan na ito. Ako ay may dalawang anak sa kolehiyo.

Maaari ba akong magloan para sa dalawang anak ko? Sa kasalukuyan, ako ay may existing loan sa SSS at naghihintay lamang ng condonation program para mabayaran ko na ito.

Papayagan ba ako ng SSS na makapag-school loan? Batay sa pagkakaintindi ko, ang loan na ito ay babayaran ng anak ko sa oras na siya ay makapagtrabaho. Tama ba ito? Hindi ko lubos na maunawaan kung paano ito maa-avail. Your information will be highly appreciated.
Thank you.
Cynthia
REPLY: Ito ay kaugnay ng sulat ni Gng Cynthia Martini hinggil sa kanyang katanungan tungkol sa Educational Assistance Loan Program (EALP) ng SSS.

Ang EALP ay ipinatupad upang matulungan ang aming mga miyembro sa pagpapaaral ng kanilang mga anak, kapatid o kahit sarili nila mismo. Ito ay pwede para sa kahit anong 4-year o 5-year degree course o vocational technical course.

Ang EALP ay ipinatupad noong 2012 at may pondong P7 bilyon kung saan ito ay pinaghatian ng national government at ng SSS.

Amin nang naunang inanunsyo na mula Nobyembre 2013, ang P7 bilyong Educ-Assist loan ay nailaan na para sa 59,600 student-beneficiaries ng humigit sa 55,000 miyembro ng SSS upang masiguro na sila ay may pambayad sa kanilang matrikula hanggang sila ay makapagtapos.

Ang mga subsequent applications ng mga naka-avail ng loan ay patuloy na ipoproseso ng SSS subalit para sa mga paunang aplikasyon, ito ay hindi na muna tatanggapin ng SSS.

Sa kabilang dako, ayon sa aming verification, aming napagalaman na mayroon pang naiwang balanse sa salary loan si Gng. Martini.
Pinapayuhan namin siyang bayaran ito in full o installment.
Ang penalty at interest ng loan ay patuloy na tataas hangga’t hindi nababayaran ng buo ang loan.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang katanungan ni Gng. Martini.
Salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.
Sumasainyo,
MAY ROSE DL FRANCISCO
Social Security
Officer IV
SSS Media Affairs

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Read more...