Daniel, Kathryn nakatikim din ng kasungitan ni Direk Cathy Molina

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

Hindi itinanggi ni direk Cathy Garcia-Molina na nakatikim ng kasungitan niya sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa mga unang taping nila ng Got To Believe Para kasing sobrang relax lang daw ng dalawa sa set kaya kailangan ng direktor na sungitan sila, pero hindi raw ito umubra.

“Honestly, nagsungit ako in the beginning. I had to know kung hanggang saan sila. Kasi, di ba, masungit naman talaga akong director? Hindi ko naman itinatanggi ‘yan.

“And sa lahat na ginawa kong pahirap sa kanila, ang tanging alam ko na hindi magwo-work sa kanila kapag pinapahiya ko sila.

Nakikita kong tumiklop. Sabi ko nga sa kanila, ‘Kayo lang ang nakatrabaho ko na ganito ako, (nawala ang kasungitan)’.

“Si DJ nagulat ako, meron palang dramatic sense. According to most people I’ve talked to, ‘Direk, ngayon lang namin nakita ‘yan. Pinag-MMK (Maalaala Mo Kaya) na nga po namin,’” pagtatapat ng direktor.

Puring-puri naman ni direk Cathy si Kath, “Ang hinugot ko na lang sa kanya ‘yung depth, yung klase ng iyak na iba-iba. Nakita ko kung gaano siya ka-willing to learn. For someone who has been in showbiz for so long, natutuwa ako kung paano nila tinatanggap (pagtuturo).”

Anyway, bilang pasalamat sa lahat ng KathNiel fans ay magkakaroon ng “Best Fair Ever” sa Linggo, Marso 2, na magsisimula ng 8 a.m. sa Makati Circuit kung saan magkakaroon ng show ang mga bidang sina Kathryn at Daniel plus special guests. Sa lahat ng pupunta, may photo booths, may rides, at may army kit.

Read more...