Mark binantaan: Sex video ipapakalat

MARK HERRAS

GAANO kaya katotoo ang tsismis na nasagap namin na kaya raw lumabas at umamin si Mark Herras hinggil sa kanyang naanakan na dati niyang road manager ay dahil sa mayroong pananakot na ginagawa ang mag-inang showbiz personalities na mayroong malaking pagkakautang sa kanya?

Yes kapatid na Ervin, ayon sa aming mga nakausap, wala naman daw sanang problema sa pagitan ng aktor at ng nanay ng kanyang anak (read: mayroon na silang arrangement sa legal at financial support) pero dahil umano sa pananakot ng mag-inang ito na pasasabugin nila ang isyu at sisirain ang aktor kaya, “Inunahan na sila ni Mark!” sey ng isang kausap namin.

Diumano, bukod sa sinasabing babae na naanakan ng aktor, mayroon pa raw mga pasabog na hawak ang mag-ina kabilang na ang ilang mga iskandalosong larawan o video na ikasisira ng aktor.

Hala, ano ba ito? Para lang daw maiwasan at hindi mapag-usapan ang paninigil sa pautang ng aktor, may mga ganitong anggulo raw ang kuwento? Malalaman din natin ang katotohanan tungkol dito.

Read more...