Abroad ang pag-asa

Sulat mula kay Arlin  ng Barangay Malagutay, Zamboanga City
Dear Sir Greenfield,
Napakahirap na po ng pamumuhay dito.  Kahit nagtatrabaho ang isa sa magulang sa abroad ay wala pa rin kaming sariling bahay.  Lumipat kasi ng amo ang tatay ko dahil malupit ang una niyang amo.  Ang kaso, maliit ang suweldo na ibinigay sa kanya at tinanggap naman niya kesa wala.  Marami kaming magkakapatid.  Mas malaki ang napupunta sa mga nag-aaral sa kolehiyo.  Kung hindi matitigil ang pagpapadala ng pera ay matatapos na ako sa aking kurso sa susunod na taon.  Nais ko sanang malaman kung makapaga-abroad ako. Gusto kong mag-abroad para makatulong ako sa aming pamilya at maibili at maipagpagawa ko ng sariling bahay ang mga magulang ko. Kailan ito mangyayari?  May 13, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Arlin ng Barangay Malagutay, Zamboanga City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Nakatutuwang makitang may malinaw namang Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin sa takdang panahong inilaan ng kapalaran tiyak ang magaganap, may mabunga at mabiyayang pangingibang bansang  itatala sa iyong kapalaran. Basta ang mahalaga ngayon, pagbutihin mo lang muna ang iyong pag-aaral.
Cartomancy:
Ten of Diamonds, Seven of Diamonds at Five of Clubs ang lumabas. Ang mga baraha ang nagsasabing sa sandaling nakatapos ka ng pag-aaral, makapaga-abroad ka na.
Itutuloy….

Read more...