COINCIDENCE lang siguro na ang titulo ng debut album ni Garie Concepcion, ang younger half-sister ng controversial young actress na si KC Concepcion ay “Relaks Lang Tayo.
Wala ring kaalam-alam si Garie na magpapa-interview ang kanyang Ate KC kay Boy Abunda noong nakaraang Linggo sa “The Buzz” tungkol sa kanyang love life.
“I feel for my sister. I’m hurt too because of what she’s going through. But I know she’s a strong woman,” aniya sa isang interview. “We had an exchange of SMS but we haven’t talked about it in details. I think we won’t go into that anymore.”
Sa kasalukuyan ay nasa Japan pa si KC para sa series of shows kasama ang iba pang ABS-CBN talents.
Si Garie, 22, ang panganay ng aktor na si Gabby Concepcion kay Grace Ibuna. Samantalang si KC, 26, ang anak ni Gabby kay Megastar Sharon Cuneta.
Nang tanungin ang relasyon nila ng ate niya, sinabi ni Garie na, “KC has always been a generous ‘Ate’ to me. Recently, she gave me shades and other gifts. Ever since, I’ve loved the fact that I have an older sister.”
Matagal na niyang alam na mayroon siyang mga sikat na kapatid at ama, pero nagkakilala lamang sila ni KC sa burol ng lolo nilang si Rollie Concepcion. Noong 2008, ani Garie, ang pinaka-memorable moment of her life. Sa tagal nilang hindi magkakilala, hindi na nawala ang contact nila sa isa’t isa. “We’d hang out every time we have time.”
Idinagdag niya na may communication din sila ng younger half-sister niyang si Chloe, 16, sa pamamagitan ng Facebook. “She was the one who added me up. She’s also musically inclined. I think she plays guitar or piano.” Si Chloe ang anak ni Gabby sa former Vogue magazine editor turned actress na si Jenny Syquia.
“They’re both based in Sweden so it’s hard to meet up,” dagdag ni Garie. Matagal nang passion ni Garie ang singing.
Noong tatlong taong gulang siya, sa kuwento ng mommy niya, ay kumakanta na siya ng mga Disney tunes. Natutuhan niya ang pagkanta sa radyo.
“So having an album is truly a dream come true for me.”
Simple lang ang rason ni Garie sa pagpasok sa showbiz ngayong adult na siya: gusto ng mommy niya na maranasan niya ang maging isang normal teenager. “I’ve never left the Philippines. I grew up here,” aniya.
Nagtapos siya ng Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Institutional Management major in Tourism Management sa De La Salle University-Benilde.
Maliban sa singing, gusto rin niyang mag-host. Ang acting, dagdag niya, ay medyo malayo pa sa kanyang isip. “Of course, I expect the comparison with Ate KC, who is a showbiz royalty,” aniya pa.
Kung pagbabasehan ang paraan ng kanyang pagsasalita, pagkakamalan mong siya si KC sa kanyang pagtawa at pagkanta.
“One time, I called up dad (Gabby). We’ve talked about several topics already when he paused and asked me, ‘Wait, which daughter I am talking to now?’”
Ngayon mayroong dalawang best-selling albums ang Ate KC niya—“Cassandra” and “KC”. Pero umaasa si Garie na hindi iisipin ng publiko na ginagamit niya ang kontrobersyal niyang sister.
Now out in music stores, ang “Relaks Lang Tayo” ay may 13 original tracks ng lyricist na si Edith M. Gallardo at musician Nino Regalado, na may input din mula sa mga composers na sina Ogie Alcasid, Louie Ocampo and Moy Ortiz.
Maliban sa kanyang mommy at immediate family at close friends, dine-dedicate ni Garie ang album sa kanyang Ate, especially ang carrier single, may titulo ring “Relaks Lang Tayo”.
“It’s a very positive song,” ani Garie, na sinabing wala siyang boyfriend. — Inquirer