Vice sumugod sa korte para maging saksi sa kaso ni Vhong


Nagbigay ng sworn statement si Vice Ganda kahapon sa Pasig City Prosecutors Office para patunayang magkasama sila ni Vhong Navarro sa Island Cove sa Cavite noong gabi ng April 24, 2010 para sa isang concert.

Inakusahan si Vhong ni Roxanne Cabanero na nanggahasa sa kanya  noong Abril 24, 2010 na mariing pinabulaanan ng TV host-actor.

Samantala, dalawang linggong mawawala si Vice sa It’s Showtime dahil may series of shows siya sa San Francisco at bago siya umalis kagabi bandang 10:30 ay inasikaso muna niya ang pagsusumite ng affidavit kahapon para tulungan ang kaibigan.

At ang isa pang gusot ang inayos ni Vice bago siya lumipad patungong Amerika ay ang tampuhan nila ni Karylle na ikakasal na sa March. Tinext nga namin si Vice, “Glad bati na kayo ni K.” Na agad  niyang sinagot ng, “I’m happy too.”

Isa lang ang tanong namin, makakarating kaya si Vice sa kasal nina Karylle at Yael Yuzon? Balita kasi namin ay may mahalagang papel ang Phenomenal Box-Office Star sa nasabing kasal.

( Photo credit to E Santiago )

Read more...