Sa wakas, Dingdong ga-graduate na sa college


Natuwa naman kami sa good news na nabalitaan namin tungkol kay Dingdong Dantes. Ga-graduate na pala ang Kapuso Primetime King sa college.

Yes, this coming March 23 ay makukuha na ni Dingdong ang kanyang college diploma, nakatapos siya ng Techno Management course sa West Negros University, sa Bacolod.

Kung matatandaan, nag-enroll si Dingdong noong 2012 sa nasabing unibersidad. Hindi kasi niya natapos ang kanyang kurso sa Ateneo de Manila University dahil sa problema sa schedule.

Congrats, Dong! I’m sure tuwang-tuwa rin si Marian Rivera sa iyong pagtatapos.

( Photo credit to Entertainment Inquirer.Net )

Read more...