Daniel: Sana ako ang first kiss niya! kung hindi, bad trip ‘yun!


BAWAL pang makipag-lips to lips si Kathryn Bernardo sa harap ng mga kamera kaya tiis-tiis muna ang kanyang “boyfriend” at ka-loveteam na  si Daniel Padilla.

Sa thanksgiving presscon ng super hit teleserye nilang Got To Believe sa ABS-CBN, sinabi ni Kathryn na hindi pa siya handang makipaghalikan kay Daniel kaya sorry na lang sa milyun-milyong sumusubaybay sa kanilang soap opera na dalawang linggo na lang mapapanood sa Primetime Bida.

“Feeling ko it’s too early para sa akin. Kasi parang kapag nasimulan mo na yun, feeling ko, parang kailangan sa lahat ng shows mo ganu’n ka na.

“Hindi ka na puwedeng tumanggi o magsabi ng ayoko. Nagawa mo na, e. So for me talaga, hindi pa. Puwede namang hug lang muna, kiss sa cheek, ‘yan pwede. Pero ‘pag sa lips, time will come for that,” pahayag ni Kathryn.

Para naman kay Daniel, tama lang ang desisyon ng kanyang ka-MU at nirerespeto niya ito, pero sana raw siya pa rin ang “makabigyag” sa labi ng teen actress.

“Siguro naman po dapat si Kathryn din (ang maging first onscreen kiss). Sa haba ng pinagsamahan namin. E, kung mapupunta naman sa iba yun, bad trip naman yun,” hirit ng binata.

Tungkol naman sa tunay na estado ng kanilang relasyon, ayaw ding madaliin ni Daniel ang kanyang ka-loveteam, kahit na turning 18 na ang dalaga sa March 26, ayaw niyang ma-pressure ang dalaga sa kanilang love affair.

“Huwag na muna sagot-sagot para hindi muna siya ma-pressure,” sagot ni Daniel nang tanungin kung umaasa ba siyang sasagutin na siya ni Kathryn sa 18th birthday nito.

“Basta mag-enjoy lang siya, explore pa niya yung sarili niya, explore pa niya yung mga gusto niyang gawin. Kasi kapag nagka-boyfriend ka na, marami ka nang puwedeng pagbawalan.

So, enjoy ka lang. Relax ka lang,” paliwanag ng binata. Siniguro naman ng Teleserye Prince ng Kapamilya network na siya ang magiging escort ni Kathryn sa debut nito, at paghahandaan niya raw talaga ang ibibigay niyang regalo sa dalaga.

Samantala, ngayon pa lang ay inaabangan na ng buong sambayanan ang magiging ending ng love story nina Joaquin (Daniel) at Chichay (Kathryn) sa Got To Believe.

Sey nga ni Kathryn, “Masaya ako dahil ang feeling namin, naging successful naman yung show. Malungkot din at the same time dahil matatapos na yung show. Marami rin kaming napasaya.

At siyempre, nagpapasalamat din dahil yung mga fans, hindi tinigilan ang panonood ng Got To Believe.”  Chika naman ni Daniel sa matinding suporta sa kanila ng Kathniel, “Ako naman, minahal nila ako kung ano yung dati pang ako.

Hindi ako natatakot kung ano’ng sasabihin nila, dahil alam mo rin naman sa sarili mo kung mali yung ginagawa mo masyado, ‘di ba? “E, sa nakikita naman ako na hindi naman ako masamang tao.

Makulit lang talaga ako. Pero nagustuhan nila ako kung ano ako dati, so suwerte talaga ako sa kanila,” dagdag pa ng sikat na sikat na aktor.

Ano naman ang comment ni Daniel sa pakikipag-away ng  KathNiel fans sa ibang loveteam o sa ibang artistang nali-link sa kanila ni Kath? “Hindi mo maiiwasan yun, e. Talagang kasama yun.

Pero kung puwedeng huwag ganun, ‘wag na lang. Hindi talaga natin maiiwasan yun. Minsan mabuti pa yun.”Sabi nga kanina, kung hindi ka inaway, wala kang impact. Ganu’n talaga. Napagdaanan ko rin ‘yan nu’n,” pagtatapos ng binata.

Samantala, nakatakda ring mapanood ang Got To Believe sa iba’t ibang Asian countries. Sa nakaraan kasing content market conference ng Asian Television Forum (ATF) na ginanap as Marina Bay Sands sa Singapore, marami ang nagpahayag ng interes na bilhin ang romantic-comedy series nina Daniel at Kathryn.

Nahimok ang mga buyer sa serye dala na rin ng onscreen magic ng Kathniel at ang light romantic content nito na naiiba sa kadalasang heavy drama offerings ng ABS-CBN sa merkado.

Nalalapit na ang pagtatapos ng Got to Believe ngunit patuloy pa rin itong namamayagpag sa ratings dala ng malakas na suportang ibinibigay ng kanilang supporters all over the world.

Read more...