Coco kinakawawa sa social media, ipinagtanggol ng fans


ABS-CBN is airing Coco Martin’s next soap opera next month and there’s a minor public opinion na LA FAVORITA siya ng network. “Haha.. si Coco. Si coco na naman..si Coco na protektado ng Abscbn.

Si Coco na laging nasa magandang timeslot. Si Coco na hindi naman magaling at matibay ang followers! Yun JDC lang ang solong seryeng dinala nya at nasa early timeslot na naman.

Si Coco na lagi nalang may serye bakit bakit sya nalang ba artista ng abs? Grrr,” parang galit na comment ng isang guy.
There was a post in one Facebook account which said na Coco Martin, Julia Montes, Kim Chui and Jake Cuenca ang billing sa bagong serye ng Dos.

Instantly, there was one fan who said that, “It should have been Coco Martin, Kim Chiu, Jake Cuenca and Julia Montes or Coco Martin, Julia Montes, Jake Cuenca AND Kim Chiu.

Nakakaloka, ‘di ba, pati ang billing ay parang may issue na kaagad gayong hindi pa naman nakikita ang poster ng soap. To the Coco haters, this one’s for you mula sa Coco defender, “Laki ng galit kay coco, dun magreklamo sa abs cbn.”

Actually, hindi lang naman si Coco ang favorite sa Dos. There’s Paulo Avelino na pagkatapos ng isang soap niya na pinagbibidahan ng isang bata ay tampok na kaagad sa isa pang teleserye.

There’s also JC de Vera na meron kaagad na kasunod na TV project. But where they like it or not, si Coco talaga ang masasabing teleserye king ng Dos.

Read more...