Deniece-Vhong rape case nakakabaliw na


NAKAKATAWA na ang magkabilang kampo – I mean, ang kampo ng sumisigaw na siya’y ginahasa rin ni Vhong Navarro – si Roxanne Cabanero.

Sa kanyang sinumpaang-salaysay, April 24, 2010 siya ni-rape ni Vhong bandang 10:30 to 11:30 p.m., pero nitong huling mga araw daw ay binago na nila ang date – hindi na April 24.

I just missed the new alleged new date. Maybe the day after na or something. Samantala, ipinagpipilitan ng kampo ni Vhong nu’ng una na wala nga siya noong April 24, 2010 sa sinasabing lugar ni Roxanne dahil meron siyang guesting sa show ni Vice Ganda sa Island Cove, Cavite that night, a show that they earlier said finished at 2 a.m..

Dahil marami ang nagkukuwestiyon sa veracity ng kanilang defense kasi nga, kung 2 a.m. na natapos ang show ay puwedeng wala na nga si Vhong sa Island Cove. Maaaring late na ito nag-start like pa-midnight na.

Ngayon iniba na rin nila ang kanilang version, kesyo the show started daw at 9:30 p.m. at natapos ng 12 midnight. With this, imposible ngang hindi magkasama that time sina Vhong at Roxanne.

Dalawang binagong isyu kaya parehong nakakalito. Alin ba ang totoo? Yung una nilang sinalaysay o itong bago? Alin kaya rito ang kakatigan ng korte? Hay naku, bahala na ang korte na magdesisyon diyan. Nahehelo na kame. Ha-hahaha!

Para tuloy nagiging moro-moro na ang kaso nila, kaya huwag silang magtaka kung mawalan na rin ng interes ng publiko sa rape case na ito dahil pare-pareho na silang inconsistent sa mga statement nila.

Read more...