Vice, Karylle tunay ang pagbabati sa It’s Showtime, walang plastikan


Nakakatuwa naman ang pagyayakapan nina Vice Ganda and Karylle yesterday sa It’s Showtime. Hindi hard-sell ang dating. Full of fun.  Nataon pa sa selebrasyon ng EDSA Revolution, di ba?

Bloodless din ang kanilang pagbabati – they reconciled amicably. Iyan ang maganda sa pagbabati, yung hindi pilit. Mararamdaman at makikita mo naman kung echosa lang ang sincerity ng pagbabati ng dalawang nagkatampuhan o nagkagalit, di ba? But with what we saw kina Vice and K, masarap pagmasdan.

Kaya we just wish them the best in the future as friends. Ang tanong ngayon, will Karylle invite Vice Ganda to her wedding? Sakali mang maimbita si Vice Ganda, will he go? Iyan ang pakaabangan natin.

Kasi nga di ba, sina Karylle at Vice lang ang nag-kiss and make up, sina Vice at Yael Yuzon (na sinasabing siyang dahilan kung bakit nagkatampuhan ang dalawang host ng Showtime) ay balitang hindi pa masyadong okay.

But we believe, ngayong bati na sina Karylle at Vice, susunod na si Yael, at sana nga ay magkaayos na silang lahat dahil hindi magandang may issue sila ngayong malapit na silang ikasal.

Read more...