May celebrity na humahabol sa listahan ng mga magpapakasal this year. And this is none other than Joross Gamboa. Nag-propose na si Joross sa non-showbiz girlfriend niya na si Kathy Kimberly Saga February last year.
Sa November after Joross’ birthday nila plano magpakasal sa Fernbrook Gardens, New Alabang. Ang birthday ni Joross is Nov. 28, “Kasi birthday ko weekday, e. Tapos, puno na rin ang December, maraming kalaban,” tsika sa amin ni Joross.
Inaayos na raw ng GF niya ngayon ang wedding gown na susuutin sa kasal nila, “Meron silang nagugustuhan na hitsura ng wedding gown, medyo classic, e, parang ganoon, e,” kwento niya,
January pa lang daw ay nag-umpisa na silang isa-isahin ang detalye sa kanilang kasal. Una nga ang venue sa Alabang, “Merong pang-Catholic at may pang-garden wedding sa Fernbrook. Pero kami sa garden wedding.”
Meron na rin daw silang naisip na motiff ng wedding, “Inaayos pa, pina-proces. Pero plano namin medo classic para elegant.”
Sa Amerika plano ni Joross gawin ang honeymoon nila ni Katz. At agad gusto niyang magkaroon ng anak na kambal, “Sa unang anak, kambal. Pero gusto ko kung hanggang ilan payag siya,” sabay ang pilyong ngiti ni Joross.
Pero bago ang kasal, sabay na ga-graduate this March si Joross at girlfriend niya sa kolehiyo, “Parang hinintay ko siya, e. Ako kasi, thesis na lang, pero matagal bago ko ginawa.”
Dalawang kurso muna ang dinaanan ni Joross, computer and nursing, bago niya natapos ang Masscom sa Southville International School sa Las Piñas.