Andre Paras iniiyakan ang ‘Paghihiwalay’ nila ni Kobe

INIIYAKAN pa rin ni Andre Paras ang pagkakalayo nila ng kapatid na si Kobe na nag-aaral ngayon sa Cathedral High School sa Los Angeles, USA kung saan nga ito nabigyan ng basketball scholarship.

Kuwento ni Andre sa presscon ng kauna-unahan niyang pelikula, ang “Diary Ng Pangit” ng Viva Films, miss na miss na niya ang kanyang utol, pero sinisiguro raw nilang magkapatid na nakakapag-usap sila nang regular, nagkukuwentuhan tungkol sa mga nangyayari ngayon sa buhay nila.

Chika ni Andre, alam ni Kobe ang tungkol sa pelikula niya, at proud ha proud daw ito sa kanya tulad ng kanyang amang si Benjie.
“He’s actually happy for me, ako mismo ang nagkukuwento and before I tell anyone else, siya mismo ang pinagsasabihan ko.

Miss na miss ko siya kasi, siya ang best friend ko sa bahay,” anang binata. Dito na nga sinabi ni Andre na may mga panahon na kapag nag-uusap silang magkapatid ay nagkakaiyakan pa rin sila,  “Of course, I do cry kasi I miss him so much.

He does miss us a lot but it’s for his own good, para mag-improve pa sa basketball.” Siyempre, dahil malayo nga sa kanyang pamilya, nakakaramdam din ng lungkot ang kanyang kapatid, “I think he feels homesick but he knows what he’s doing naman, it’s for his own good para mag-improve sa basketball and I’m happy for him, I support him. I think, he’s enjoying it naman, trying out, he’s doing good naman,” pahayag pa ni Andre.

Natanong din si Andre kung may plano na ba siyang mamuhay nang independent tulad ng brother niya, “Not yet, kasi we’re here in the Philippines and I know kapag 18 ka, you have to live independently.

But as much as possible, I want to live forever with my parents. I love them so much and I’m proud to say, I’m Mama and Papa’s boy.”

Ang tinutukoy na mama ni Andre ay ang bagong asawa ng kanyang ama, sa ngayon kasi hindi pa rin sila okay ng tunay niyang nanay na si Jackie Forster, sa katunayan ayaw na nga niyang pag-usapan ang tungkol sa dating asawa ni Benjie.

Samantala, nakaka-relate daw nang bonggang-bongga si Andre sa role niya sa “Diary Ng Panget”  na naging best-selling serialized novel sa wattpad.com.

Ito ay sa direksiyon ni Andoy Ranay at showing na sa April 2. Nabasa na namin ang libro nito, at talagang naaliw kami sa kuwento. Sigurado kami na hindi ito palalagpasin ng mga kabataang nakakaalam din sa istorya ng mga bida sa nasabing nobela, tulad nina Chad Jimenez na gagampanan nga ni Andre at ng napakapangit na si Rhea Rodriguez na gagampanan naman ni Nadine Lustre.

Sey ni Andre, sana raw after ng “Diary Ng Panget” ay magtuluy-tuloy na ang showbiz career niya dahil pangarap talaga niya ang maging artista rin tulad ng tatay miya, “I think, blessing also, and I’m super-duper lucky because ever since I was a kid, I want to do movies like si Daddy and yung mga favorite actors ko.

Being part of the movies, since bago pa lang ako sa industry…But with this role, it’s a big lesson na.” Kasama rin sa pelikula ang Kapuso star na si Yassi Pressman at ang Pinoy Big Brother Teens grand winner na si James Reid.

Read more...