Spotlight: Walang multo sa home ni Direk Yam Laranas


HINDI takot ang filmmaker na si Yam Laranas sa multo o sa mga hindi matahimik na espiritu sa kanyang condo unit kung saan kasama niyang nakatira ang misis na si Gin de Mesa at mga anak na sina Elias Lukas, 7 at Chow Obi, 8.

Bagama’t nakilala siya sa pagdi-direk ng thrillers (gaya ng “The Road”, “Patient X”, at “Sigaw”), malayo naman ang itsura ng kanyang bahay sa mga ito.

Batay sa interior ng kanya bahay sa Makati, gusto ni Yam ang bright at breezy environment.

Maraming glass windows ang bahay na siyang pinapasukan ng liwanag mula sa labas.

Ipinagiba rin ni Yam ang dingding upang mas maging free-flowing ang bahay. “There are no borders. This house has no center. There are only three of us here; we want to be able to see each other no matter where we are.”

Sa tulong ng architect-designer na si Popi Laudico, na-maximize ang 197-square meter space upang maging isa itong comfort zone.
“Even if Gin is resting in the bedroom, I’m editing in the home office and our son Elki is watching TV in the living room, we still feel like we’re spending quality time together,” paliwanag ni Yam.

Ang mga folding glass doors na napapalamutian ng mga iron grill work ang naghihiwalay sa kuwarto sa iba pang bahagi ng bahay.
“Since the glass is textured, we still have privacy at night,” ani Yam.

Inilarawan niya ang overall design concept na “minimalist.”

Naka-frame ang mga poster ng mga nagawa niyang pelikula na kasama ng mga foreign movies na paborito nilang mag-asawa.

Sa pagpasok ng mga bisita ay sasalubong sa kanila ang poster ng “Manhattan” ni Woody Allen, na bahagi ng koleksyon ni Gin. Nasa kuwarto naman ang landmark sci-fi film ni Ridley Scott na “Blade Runner,” na isang paborito ni Yam.

Ang poster ng kanyang all-time fave na “A Clockwork Orange” ni Stanley Kubrick ay nasa bathroom.“But my wife concealed the irreverent blurb on the poster,” ani Yam.

Nakalagay naman sa home office ang poster ng silent movie na “The Battleship Potemkin” ni Sergei M. Eisenstein noong 1925. Regalo umano ito ng film archivist at scholar na si Teddy Co.

Ang poster ng kanyang Viva Films debut na “Balahibong Pusa,” hanggang sa National Geographic documentary na “Asia’s Titanic” ay nakalinya sa corridor.

“I had a hand in the design of most of these,” saad ni Yam. “I wrote the poster blurb for ‘Balahibong Pusa.’” Naroon din ang poster ng Korean version ng “The Echo.”

Sinabi niya na ang “Asia’s Titanic” ay na-translate sa mahigit 20 linguwahe samantalang ang “The Echo” ay napalabas sa mga malalayong lugar gaya ng Russia, Portugal at Colombia.

“Our old place was colorful, inspired by our trip to Notting Hill in the United Kingdom,” aniya. “It had lots of red and mustard yellow … and that was long before the Julia Roberts and Hugh Grant movie was shown.”

Nang lumipad sila sa kanilang pad dalawang taon na ang nakakaraan ay bumalik sila sa natural. “We wanted all-white walls to make the place look neat. We also installed narra flooring.”

Ang centerpiece ng living room ay ang sofa na mula sa Italian furniture store na Natuzzi, at tinernohan ng abaca carpet mula sa Soumak. Ang bilog na upuan at ang narra dining table ay galing din sa Soumak.

Sa kuwarto ay mayroong nook kung saan ginagawa ni Gin ang kanyang paperwork. Gusto naman ni Yam ang kanilang queen-sized bed, na inilarawan niyang “simple and Asian.” Galing ito sa Ethan Allen store.

“I prefer to work at night,” ani Yam kaya mayroon siyang opisina sa bahay. “Also because I don’t want my son to see the gory and scary scenes from my movies.”

Nang bumisita doon ang Living Star, sinusuri ni Yam ang Blu-ray edition ng “The Road,” na nagbukas sa mga sinehan noong Nobyembre 30.

Sinabi ni Yam na gumagawa siya ng post-production sa Blu-ray dahil mas madali niyang nakikita ang mga mali dito.

Isa sa mga bentahe ng pagninirahan sa sentro ng Makati, ang lahat ng kailangan mo ay nasa malapit—partikular ang mga advertising at post-production companies. “Advertising is my bread-and-butter.”

Hindi lamang para sa trabaho ang kanyang home office dahil ginagamit din niya ito sa panonood ng mga pelikula sa kanyang 50-inch Sony LED web TV.

Ang mga koleksyon niya namang DVD ay “Star Wars,” “The Lord of the Rings,” “The Exorcist,” “The Omen,” “The Hurt Locker,” at mga docus gaya ng “U2: Rattle and Hum” at shows na “Stomp Live.”

Nakalagay din sa opisina ang ilang industry awards (para sa kanyang trabaho bilang cinematographer at editor)—kasama ang “unique” Orbit trophy (para sa “Sigaw”) na bigay ng Brussels International Festival of Fantastic Film.

Naroon din ang kanyang “Star Wars” action figures—Darth Vader, Boba Fett at Obi Wan Kenobi—na kasama ang kanyang book collection.

“My son doesn’t play with these collectibles because he knows that he’ll inherit them when he turns 10,” ani Yam. “For his birthday, he asked for a Lego ‘Star Wars’ set.”

Nagba-bonding si Yam at Elki sa paglalaro. Ipinagmamalaki ni Yam ang kanyang anak na maingat umano sa kanyang mga laruan.

Si Yam at Elki ay mayroong tag-isang PlayStation unit. Nanonood din sila ng pelikula na magkasama.

Naglagay din sila ng glass door sa dingding ng kuwarto ng mga bata na ginagamit ni Elki para sa kanyang sketching at pagsusulat.

Inilalagay ni Elki ang kanyang mga drawing sa cork board na nasa dingding ng opisina. Isang magandang ideya umano ang cork board dahil nababantayan nila ang ginagawa ng kanilang mga anak.—Text at photos mula sa Inquirer

Read more...