How true na kaya kinakaibigang muli ni Kris Aquino ang ex-husband na si James Yap ay para ma-spite ang ex-BFF nitong si Ai Ai delas Alas na balitang close friend ngayon ni James?
Kasi nga, this is the only way raw na maiparamdam ni Kris kay Ai Ai ang kaniyang pagkadismaya sa kanilang broken friendship.
“Halata kasi si Ai Ai na kaya kinaibigan si James Yap para pasakitan ang kaniyang ex-BFF na si Kris.
Ito ang way of vengeance ni Ai Ai, ‘no! Alam niya kasi ang weakness ni Kris, eh. “Alam niya kung saan titirahin si Kris. Ang problema riyan one day ay baka magkaayos na naman ng 100% sina James at Kris at si Ai Ai na naman ang maiwan sa ere, di ba?
Kung naalala niyo pa, nangyari na iyan kina James and Ai Ai before, nag-away sila dahil sa mga naging comment ni Ai Ai kay Kris nu’ng nagkatampuhan silang mag-asawa.
“Di ba’t sinabi ni Ai Ai before na isoli na sa kaniyang ina si James na ikinagalit ni James that time sa komedyana? Parang ganoon iyon eh. Iyan ang basa ko ha,” anang isang outsider na nakatsikahan namin.
Puwede. Alam niyo naman si Kris – ayaw niyang patatalo. Puwedeng gawin niyang deal kay James iyan para hindi ito pahirapan sa visitation rights kay Bimby – ang layuan si Ai Ai or else pahihirapan nga siya.
Knowing how stubborn Kris is. Patay na naman si Ai Ai niyan. Ako nga eh, muntik nang magkaisyu kay Ai Ai dahil merong mga impaktang nagparating sa kaniyang sinisiraan ko raw siya sa radyo. Buti na lang at nagkausap kami.
Yes, nagkaroon ako ng maliit na tampo sa kaniya pero not enough for me to hit her dahil mas pinahalagahan ko ang friendship namin. May ilang tao kasing nagsisipsip kay Ai Ai na gustong masira pati friendship namin pero hindi talaga umubra.
Nagkausap na kami ni Ai Ai at nagkalinawan na kami. I’m sure nadala lang si Ai Ai sa sobrang sulsol ng ilang demonyo sa kapaligiran niya kaya natuloy sa world war ang maliit na tampuhan nila ni Kris.
Hayan kasi – madaling magpasulsol kaya nasisira ang relasyon sa mga dating kaibigan. Hay…