John Lloyd, Anne nagkaayos na, pinagsama sa isang TV Commercial


BIG deal para sa fans ang hindi raw pagre-renew ng isang malaking endorsement kay Anne Curtis. Si Sarah Geronimo na raw ang ipinalit kay Anne para sa condo endorsement niya.

We don’t know kung true nga na si Sarah na ang humalili kay Anne but if it is true ay ano naman ang sama roon? Ang feeling ng marami ay hindi nakatulong ang kinasangkutang isakandalo ni Anne sa isang private bar.

Marami talaga ang naimbiyerna sa kanya because of this. Anyway, hindi naman siguro kawalan ni Anne na mapili si Sarah na pumalit sa kanya.

Ang alam namin, meron namang patuloy pa rin niyang ineendorso at meron pa siyang bagong TV commercial. Actually, makikita naman ang reaction ng public when her new fantaserye is shown.

Kung magre-rate ito, ang ibig sabihin lang noon ay walang epek ang bad publicity na tinamo niya last year. Samantala, spotted sina Anne and John Lloyd Cruz sa Art Fair Philippines 2014 kamakailan.

Nakita namin ang photo nila habang kinukunan sila ng photographer. With this ay masasabing all’s well between them kahit na nagkaroon ng sampalan issue sa kanila.

Aside from this, nakita rin namin ang billboard ng dalawa para sa isang tuna product and we heard, magkakasama rin sila sa gaganaping presscon for this project.

Meanwhile, Angelica Panganiban only had one thing to be grateful for when her boyfriend John Lloyd Cruz figured in an accident during the station ID shoot.

Pinasalamatan ni Angelica ang bale nag-save sa mukha ng kanyang dyowa – ang helmet. Posting John Lloyd’s broken helmet on her Instagram account with this caption, “Ang wasak na helmet.

Thank you for saving his life,” Angelica indirectly emphasized the importance of wearing a helmet kahit na nagbibisikleta lang.
Imagine what physical damage could have occurred to John Lloyd kung wala siyang helmet?

Anyway, marami ang nagwi-wish ng paggaling kaagad ni Papa Lloydie. Worried na worried ang fans when they learned about his accident.

Read more...