Vhong mapupuruhan sa ikatlong babaeng magdedemanda ng rape | Bandera

Vhong mapupuruhan sa ikatlong babaeng magdedemanda ng rape

Jobert Sucaldito - February 23, 2014 - 03:00 AM


MARAMI talaga ang nakataas ang kilay sa paglantad nitong dating beauty contestant na si Roxanne Acosta Cabanero na diumano’y ginahasa ni Vhong Navarro noong 2010.

Katwiran ng marami ay bakit ngayon lang ito nagreklamo – after four long harrowing years. Bakit noong araw mismo raw na ginawa ito ni Vhong ay nanahimik siya at naghintay pang malagay sa gitna ng malaking kontrobersiya si Vhong bago siya nagsalita.

Pero galing na rin mismo sa bibig ng abogado ng dalaga na ang isang tao ay puwedeng magsampa ng rape within 20 years ng pangyayari. Nasa batas naman daw iyon.

Iyon nga lang, mas mahirap lang talagang patunayan via physical evidence ang kaso dahil naghilom na ang anumang sugat kung meron man – ang matitira na lang ay ang poot sa puso ng biktima.

Malayong magkaiba kung noon pa ito sumigaw kaysa sa ngayon. Pero huwag din tayong pakakasiguro na maipanalo agad ni Vhong ang kaso laban sa kanya dahil depende pa rin ito sa huwes na humahawak ng kaso, siya ang magdya-judge dito at hindi ang publiko.

Nasa presentasyon ng kampo ni Roxanne iyan, kung paano magsisimula at magtatapos ang kaniyang ordeal. Maraming factors ang kinukunsidera ng korte sa ganitong kaso, may psychology tests pa yata iyan, puwede pa ngang idaan sa lie detector test kung sakali.

Ang tunay na nakakaalam lang naman ng totoong nangyari ay mismong sina Roxane at Vhong and no one else. So, it would be Vhong’s words against Roxanne’s.

Obviously ay walang panalo si Deniece Cornejo sa rape case na isinampa niya laban kay Vhong kahit sabihin pa nating may nangyari pa sa kanila nu’ng January 17 – that “oral” thing.

And so many proof stand for her lies. ‘Yung CCTV footage lang ng buong kaganapan will save Vhong’s face here. Pero dito kay Roxanne, baka makapuwing ito kay Vhong.

Compared naman kay Deniece, mukhang may sense ang pinagsasabi nitong si Roxanne though sa una niyang salaysay ay pinagdududahan na ng public ang petsa ng diumano’y panghahalay sa kanya ni Vhong.

Dahil at 11 p.m. of April 24, 2010 daw na siyang nakasaad sa sinumpaang salaysay nitong si Roxanne ay guest daw si Vhong sa concert ni Vice Ganda sa Island Cove, Cavite, not so far from Metro Manila though.

Ayon naman sa kampo ni Vhong, 8 p.m. daw nag-start ang show at natapos ng 2 a.m. Pero para sa akin, I doubt kung 2 a.m. na natapos ang concert. It won’t be a six-hour show naman siguro.

That’s very impossible naman. The most na puwedeng itagal ng show ay two hours lalo pa’t provincial show ito. It could have started before 9 p.m. and ended at almost 11 or what pero ‘yung 2 a.m., malabo iyon.

Ang tanong, anong oras ba dumating si Vhong Navarro sa show? Hindi naman siya main act doon, guest lang siya. Puwedeng maaga siyang natapos sa palabas at maaaring right after ng portion niya ay tumakbo na siya pabalik ng Manila to meet up with Roxanne, di ba?

‘Yung sinasabi ng kampo ni Vhong na imposibleng mangyari iyon dahil may guesting siya ay puwedeng makontra talaga. Kung siya ang main artist sa show, maaaring malabong mangyari dahil after ng show ay lupaypay na siya sa pagod pero guest lang naman siya, eh.

Si Vhong pa namang napakahilig daw sa babae at sex ay maaaring nangati that night at pinuntahan nga si Roxanne. Hindi naman daw itinatanggi ni Vhong na magkakilala sila ni Roxanne kaya may basehan.

Hindi ko kinakampihan si Roxanne dito ha, hinihimay ko lang ang mga arguments ng mga kababayan natin sa social media na grabe kung laitin at lapastanganin ang babae.

Okay, totoo naman kaya ang pinalalabas nilang balita na hindi apektado si Vhong sa paglabas ni Roxanne. Pinagtatawanan lang daw ito ng actor-comedian. True? Or baka the other way around pero niri-reverse lang niya ang taumbayan?

Baka ang totoo niyan ay malakas ang kabog ng dibdib niya dahil meron siyang nagawang kabalbalan at hindi niya akalaing lalantad ito sa panahong he’s so down.

“Sa pangatlong pagkakataong may lumabas pang alleged victim, bingo na si Vhong. Kahit anong gawin nila at sabihin nila, that will show his real character.

Sa ngayon kasi ay natatakpan pa ng pagkakomedyante at kiyemeng pagkagiliw niya sa lahat ang kanyang karakter. Pero once na meron pang isang dalagang lumantad, patay si Vhong.

Believe me,” anang isang psychologist na nakausap namin. “Pero safe naman siya sa tingin ko sa kaso niya kina Deniece and Cedric, definitely, it won’t affect their cases. Pero with the other girls, siya ang mapupuruhan dito.

“Eh balita ko meron pang ilang gustong lumantad, naghihintay lang ng tamang timing at lakas ng loob siguro. Regardless kung sila’y babayaran o nabayaran ni Cedric Lee to come out in the open, mahirap pa ring lusutan ni Vhong iyon,” sabi pa ng
aming kausap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Well, let’s just hope na wala na. Kasi nga, kumbaga sa Lucky 9 or Baccarat, otso na siya kaso humirit pa kaya nabokya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending