Educational loan sa SSS dininig

DEAR Aksyon Line,
Good afternoon, may nabasa po ako sa inyong column tungkol sa SSS. Ako po si Artemio Maranan na may SSS number na 3325500295.

Ang problema ko po ay ang SSS educational loan ko po na hanggang ngayon ay hindi pa po na-aayos. Nag-file po ako noong Nov. 11, 2013, pumunta ako sa SSS Ma-kati branch para ifollow up, ang sabi nila sa akin ay nagkaron daw ng problema kasi daw po hindi ko nailagay yung SSS no. ng anak kong beneficiary. Pero meron pong SSS no ang anak ko at nakapag loan na po ako noong 1st sem. Ngayon 2nd sem po saka ko nalaman na ganon ang nangyari pero ang sabi ninyo ay inaayos na daw ito sa QC SSS main.

Bumalik po ako ng Dec14, 2013 para i-check ulit ang sabi mo nag mail na daw po sila, at mag-hintay na lang daw po ako. Ang kaso, hanggang ngayon po ay wala pa rin. Bumalk ako noong Jan 6 at 20, 2014, wala pa rin.

Ang problema ko po malapit na naman ang midterm exam nila sa Feb 8 na po, wala pa kong maibabayad dahil nag promisory note na ko noong prelims. Sana po matulungan nyo ko sa SSS educ loan ko po. Kaya po ako sumulat sa inyo para maaksyunan agad, ilang buwan na po ito at pabalik balik po ako sa SSS Makati branch.

Umaasa po ako sa inyong programa. Pede po bang hwag nyo na lang po ipublish ang sulat kong ito? Salamat po at umaasa po ako.
Gumagalang,
Artemio Maranan
Sss#3325500295

REPLY: Ito ay kaugnay ng sulat ni G. Artemio Maranan hinggil sa kanyang application para sa Educational Assistance Loan Program ng SSS.

Base sa aming record, ang subsequent educational loan application ni G. Maranan ay aprubado na at may cheke na noong Pebrero 7, 2014.

Ang pag-apruba sa pangalawang educational loan ni G. Maranan ay natagalan sapagkat may pagkakamali sa nailagay niyang beneficiary. Sa halip na SS number at pangalan ng kanyang anak, sarili niyang SS number at pangalan ang kanyang naisulat.

Ang pagtatama sa beneficiary ni G. Maranan ay kasalukuyan ng pinoproseso ng SSS Makati JP Rizal nang sa ganoon ay hindi na ito magkaroon ng parehong problema sa mga sumusunod pa niyang educational loan application.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang katanungan ni G. Maranan. Salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala sa SSS.
Sumasainyo,
MAY ROSE DL FRANCSICO
Social Security
Officer IV
SSS Media Affairs
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97 @gmail.com Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Read more...