Vice: Ayokong magpakasal…yung dyowa ko, gusto ko siyang makapag-asawa ng babae!


Hindi nakikita ni Vice Ganda ang sarili na nagpapakasal sa lalaking karelasyon niya ngayon o sa kahit sinong guy na posibleng maging dyowa niya. Sey ng TV host-comedian, medyo conservative pa rin siya pagdating sa mga ganitong usapin.

“Sa akin, hindi ko nakikita ang sarili kong magpapakasal. Saka hindi ko pa nakikita yung dyowa ko na magpapakasal sa akin. Hindi ko… I have nothing against people na kinu-consider ang marriage.

Sobrang maganda yun. “Pero sa akin, sa lifestyle ko, sa personality ko, parang it will never happen to me. Hindi ko nakikita ang sarili ko na magpapakasal,” esplika ni Vice.

Meaning, kahit na mag-propose ang athlete na sinasabing boyfriend niya ngayon ay hindi niya tatanggapin?  siyang magpakasal ng lalaking nauugnay sa kanya ngayon ay hindi niya tatanggapin? “Hindi, kasi nga gusto ko nga siyang magpakasal, e.

At nakikita ko siyang magpapakasal sa babae. Ako rin, gusto ko siyang makitang nagpapakasal sa babae.” Natanong din si Vice tungkol sa pagpo-propose ni Aiza Seguerra sa girlfriend nitong si Liza Diño, “Sobrang kahanga-hanga, nakakainggit, ‘di ba? At saka inspiring.

Kasi lalo na siya, powerful kasi si Aiza. Hirit pa ng Unkabogable star, “Sana nga marami pang ganito, maraming tomboy na maging masaya. Kasi maraming tomboy na gustong magkaasawa, na maging normal na lang sa paningin ng lahat.”

Read more...