Sinisipulan pa naman

Sulat mula kay Xeli, ng Barangay Awasian, Tandag City
Dear Sir Greenfield,
Malakas naman ang aking sex appeal at kahit 30-anyos na ako ay may sumisipol pa naman kapag dumadaan ako.  Minsan ay naiisip ko na mag-madre na lang.  Pero hindi naman maaari dahil may nararamdaman pa ako sa katawan ko at nakararamdam pa rin naman ng init.  Ang sabi ng best friend ko, wala raw akong dating sa lalaki.  Pero isa lamang siya sa nagsasabi ng ganoon.  Hindi ako naniniwala dahil maganda naman ako—hindi nga lang pang-Metro Manila.  Medyo conservative beauty. Kailan ba ako magkaka-boyfriend at sino ang una at huling magiging boyfriend ko? Sa tunay na pag-ibig na lang ang aking pag-asa na lumigaya.  Huwag naman sana akong tumandang dalaga.
Umaasa,
Xeli ng Brgy. Awasian, Tandag City
Solusyon/Analysis:
 Palmistry:
Hindi ka dapat matakot dahil magkaka-boyfriend ka.  Hindi ka dapat kabahan na tatanda kang dalaga.  Malinaw at makapal naman ang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, sa edad mo ngayon ay maaaring hindi pa panahon upang ikaw ay magka-boyfriend. Subalit sa takdang panahon, ang kapalaran din ang naglaaan, tiyak ang magaganap— magkaka-boyfriend ko at makapag-aasawa.
Cartomancy:
Jack of Clubs, Three of Hearts at Ace of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa susunod na taon 2015, sa buwan ng Enero hanggang Marso tiyak ang magaganap, isang kayumanggi at guwapong lalaki ng magiging boyfriend mo.
Itutuloy

Read more...