Abusadong employer lagot (3)

MALIBAN sa problema sa hindi pagbabayad ng 13th month pay at sa hindi makatwirang suspension na iginawad ng employer nang tatlong obrero na personal na lumapit sa Aksyon Line, inirereklamo din ng mga ito ang hindi paghuhulog o pagre-remit ng kanilang SSS contributions gayung ikinakaltas naman eto sa kanilang monthly salary.

Nang sila ay magpunta sa SSS office at nag-verify ng kanilang contributions, sinabi ng officer ng ahensiya na may problema sa kanilang kumpanya dahil hindi updated ang hulog nito sa kanyang mga empleyado

Kaya payo ng SSS sa tatlong obrero, maghain ng reklamo laban sa kanilang employer, magsadya sa main office ng SSS o sa SSS Pasay branch kung saan nakabase ang inyong pinagtatrabahuhan para makagawa ng affidavit of complaint.

Kung ayaw ipabatid ang inyong pagkakakilanlan o sa takot na malaman ng inyong employer na kayo ay naghain ng reklamo laban sa kanila at mapag-initan sa trabaho, mag-file ng reklamo with “confidentiality” o hindi malalaman ang inyong’ “identity” at ang SSS na ang bahalang mag-imbestiga sa kumpanya.

Agad na bibisitahin ng SSS ang inyong kumpanya para suriin ang posibleng mga violations nito na may kaakibat na kaukulang kaso o penalty.

Dalawa o tatlong complainant lamang ang kinakailangan at maaari nang maghain ng reklamo laban sa employer

Ngunit mahalagang dalhin ang inyong payslip para maging basehan ng SSS sa inyong reklamo. Kung walang maipapakitang pay slip mahirap i-demenda o ireklamo ang inyong employer

Kaya paalala ng SSS sa mga lahat ng empleyado laging itago ang pay slip dahil sakaling magreklamo lalo na sa mga kinakaltas na contributions ay may pagbabasehan.

Hanggang maaga ay mas mabuting ayusin ng mga miyembro ang kanilang SSS para hindi magkaproblema sakaling sumapit na ang taon ng pagreretiro.

Sa initial na pagsusuri ng ahensiya sa SSS number na ibinigay ng isang obrero sa 15 taon nitong pagtatrabaho sa kanilang kumpanya, ,marami sa mga contributions nito ang hindi nahulugan ng kumpanya
Ms Beth Turalvo
Media Officer
SSS
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Read more...