Sure na, Luis tatakbong mayor sa 2016; Angel ‘The Politician’s Wife’

By Julie Bonifacio February 21,2014
share this

Sure na, Luis tatakbong mayor sa 2016; Angel ‘The Politician’s Wife’

By Julie Bonifacio February 21,2014
share this

LUIS MANZANO AT ANGEL LOCSIN

Speaking of Luis Manzano, kapag naging Mayor ng Lipa ang anak ni Gov. Vilma Santos, misis na niya by that time ang girlfriend niya ngayong si Angel Locsin. Kinumpirma kasi ng aming source na magpapakasal sina Luis at Angel sa 2015.

Kunsabagay, any moment ready na talaga itong si Luis na mag-pamilya. Meron na siyang sariling bahay sa Greenmeadows na dati nilang bahay ng kanyang ina at ginastusan ng ilang milyon ni Luis ang pagpapa-renovate.

May matatag na showbiz career at mga negosyo na rin si Luis. Plus, of course, malaking ipon na pera. Kaya keri na talagang buhayin si Angel at ang magiging anak nila.

By that time, tapos na rin marahil ni Angel gawin ang huling paglipad niya bilang Darna sa ABS-CBN. At keri na rin naman ni Angel ang maging politician’s wife.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending