HOROSCOPE, FEBRUARY 20, 2014

Para sa may kaarawan ngayon: Itigil ang sobrang bait. Sa pag-ibig, alalahaning ang sobrang kabaitan ay isa na ring katangahan. Mas malaking halaga ang kikitain kung hindi ka masyadong magpapauto sa mga taong masasama ang ugali. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Green at yellow ang buenas.
 
 
Aries – (Marso 21-April 19)—   Wag mong gawing kumplikado ang buhay. Sa pag-ibig, manatili sa iisa at dati ng minahal. Sa pinansyal, sundin ang advice ng isang kaibigang Sagittarius. Mapalad ang 3, 18, 21, 30, 38, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Rama-Oma.” Red at silver ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—   Sa pag-ibig may suwerteng hatid ang isang Virgo wag mo na siyang pakawalan. Sa pinansiyal, iwasang ubusin ang salapi sa pagkain. Mapalad ang 6, 18, 24, 40, 46 at 48. Mahiga mong mantra: “Klan-Kun-Shadi-Om.” Violet at red ang buenas.

 Gemini – (May 21-June 21)—   Sa pinansiyal, unahing kumbinsehin ang mga taong nakapaligid sayo, kikita ka ng malaking halaga sa kanila. Sa pag-ibig, laging purihin ang magagandang katangian ng kasuyo upang ma-appreciate niya ang kanyang value. Mapalad ang 5, 8, 14, 19, 32, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Quando-Et-Cui-Om-Aum.” Gold at beige ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)— Hindi ka magiging maligaya sa pag-ibig, kung hindi paiiralin ang praktikalidad. Sa pamamagitan ng rason at isip mas madali kang liligaya. Sa pinansiyal, magkakapera ka habang windang parin ang puso.  Mapalad ang 7, 16, 28, 37, 43 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Kesar-Khangaya-Kapor.” Yellow at black ang buenas na kulay.

Leo – (July 23 – August 22)—   Disiplinahin ang sarili upang matupad ang pangarap! Kung marami kang bisyo, paano ka uunlad? Sa pag-ibig, sumunod sa mungkahi ng kasuyo upang lalo pang lumawig ang  pagmamahalan. Mapalad ang 1, 13, 23, 26, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yod- He-Vau-Weh.” Orange at white ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—  Ang pagkilos na mabagal ay hindi magdadala ng tagumpay. Laging magmadali, upang madali ding magkapera. Sa pag-ibig, kapag nag-init ang kasuyong Libra sunggaban agad. Mapalad ang 5, 18, 23, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Viam-Inveniam-Om”. Blue at silver ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—    Alalahaning, kung makakaiwas sa sakit malaking halaga ang matitipid. Sa pag-ibig, bigyang proteksyon ang minamahal, palakasin ang immune system sa pamamagitan dagdag pang romansahan. Mapalad ang 3, 6, 15, 30, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Neil-Desperandum-Om”. Maroon at lilac ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—  Sa pag-ibig tuloy ang pabugso-bugso ay lihim na relasyon sa isang Aries. Sa pinansiyal, bababa ang graph ng pag-unlad ngunit sa Marso at Abril muli kang makakabawi. Mapalad ang, 9, 18, 17, 32, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Shadja-Mi-Dhaivata.” Gray at red ang buenas na kulay.

Sagittarius – (November 22 – December 21)— Tama ang ginagawa mo, umibig ka lang ng umibig. Wag mong pansinin ang iba, ang mas mahalaga ay maligaya ka. Sa pinansiyal, hindi baling gumastos, basta’t alang-alang sa mimanahal. Mapalad ang 6, 19, 28, 35, 43,at 49. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Kebalam.” Pink at violet ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)— Anoman ang nangyayari, kumalmante ka lang. Huwag guluhin ang isip sa mga problemang hindi pa naman dumarating. Sa pag-ibig, kapag payapa ang isipan, mas masarap na romansa ang mararanasan. Mapalad ang 4, 13, 27, 31, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum.” Maroon at purple ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—  Ipagpatuloy ang kabutihang ginagawa. Sa pag-ibig, habang nagpapakatino ka sa pag-ibig, mas masarap na romansa ang mararanasan.  Sa pinansiyal, iwasang bilin ang gusto na hindi naman kailangan. Panahon na upang magtipid. Mapalad ang 2, 16, 22, 29, 42 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Arkaye-Savitre-Garbaye-Om.” Green at orange ang buenas.
 
 
Pisces – (February 19 – March 20)—  Wag ipilit ang iyong paninindigan! Sa pagiging sobrang idealistic hindi ka yayaman. Sa pag-ibig, isakripisyo ang paninindigan alang-alang sa minamahal. Sa pinansyal, isipin mong ang pagta-trabaho ay walang personalan, pera-pera lang. Mapalad ang 7, 28, 37, 40, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Candor-Viribus-Om.”  Magenta at lilac ang buenas.

Read more...