Heat dinaig ang Mavericks

DALLAS — Umiskor si LeBron James ng season-high 42 puntos para buhatin ang Miami Heat sa panalo laban sa Dallas Mavericks, 117-106, sa kanilang NBA game kahapon.

Si James, na nakamit ang kauna-unahang 40-point game ngayong season, ay kinamada ang naunang walong puntos at 10 sa kabuuan sa isang 14-0 run na nagbigay sa Heat ng 106-95 kalamangan matapos maghabol ng isang puntos sa pagbubukas ng ikaapat na yugto.

Manggagaling naman ang Miami mula sa All-Star break na nagwagi sa ikaanim na pagkakataon sa pitong laro bago ang sagupaan nina James at Kevin Durant bukas sa Oklahoma City.

Si Dirk Nowitzki ay nagtala ng 22 puntos para pangunahan ang Mavericks.Sinimulan ni James, na mayroon ding siyam na rebounds at  anim na assists, ang krusyal na ratsada ng Miami matapos agawin ang pasa ni Shawn Marion mula sa backcourt at tumira ng game-tying 3-pointer.

Matapos makapagbuslo uli ng tres sa harap ni Marion para ibigay sa Miami ang kalamangan, sinundan pa ito ni James ng isang dunk matapos ang isang turnover ng Dallas.

Ang dating season high ni James ay ang 39 puntos na ginawa niya sa panalo nila kontra Dallas sa Miami. Sumablay din ang Dallas sa pitong tira at nakagawa ng tatlong turnovers habang nagawa ng Heat na maiwanan ito para itala ang ikatlong diretsong season sweep sa Mavericks — anim  na sunod na panalo — magmula nang matalo noong 2011 NBA Finals.

Si Chris Bosh ay nag-ambag ng 22 puntos para sa Miami habang si Dwyane Wade ay nagdagdag ng 13 puntos. Si Chris Andersen ay nagtala ng season-high 18 puntos para sa Heat.

Spurs 113, Clippers 103
Sa Los Angeles, kinamada ni Patty Mills ang 16 sa kanyang 25 puntos sa ikaapat na yugto habang si Tim Duncan ay nag-ambag ng 19 puntos at 13 rebounds para ihatid ang San Antonio Spurs sa pagwawagi laban sa Los Angeles Clippers.

Hindi rin pinaglaro ng Spurs ang six-time All-Star na si Tony Parker. Ang beteranong point guard, na naglaro ng 11 minuto sa nakaraang NBA All-Star Game, ang leading scorer ng Spurs at ang natatanging manlalaro nito na naglalaro ng 30 minuto.

Nagbalik naman sa Spurs si Manu Ginobili at nagtala siya ng siyam na puntos. Si Blake Griffin ay gumawa ng 35 puntos at 12 rebounds habang si Jamal Crawford ay umiskor ng 25 puntos para sa Clippers.

( Photo credit to INS )

Read more...