Daniel, Kathryn ibang level na, gagawa ng movie sa Paris


Bilib kami sa Kathniel fans, they really go out of their way to explain things for their idols. Explain to death ang isang fan club nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa nalalapit na pagtatapos ng soap opera ng dalawang pinakamainit na love team sa buong Pilipinas.

Parrying off rumors na kaya magtatapos ang teleserye nila ay dahil hindi ito nagre-rating at hindi pinapasok ng TV ads, the letter which we read said that the love team is preparing for their next movie which will be shot abroad, sa Paris, France raw.

Also, individually ay merong pagkakabisihan ang dalawa. Si Kathryn ay magiging abala sa kanyang nalalapit na debut na for sure ay magiging engrande. Siyempre, mawawala ba naman si Daniel doon?

Si DJ naman ay magiging busy in preparation for his concert. Whoever is spreading na mawawala ang soap nina Daniel at Kathryn dahil mababa ang rating nito ay wala sa katinuan.

Hindi nga mapataob ng Primetime Queen ng number two network ang soap nina Kath at Daniel, ‘no! And when it comes to ads, not true rin na hindi ito pinapasok ng commercials. Loaded nga ito sa commercials, eh.

Read more...