NAGTATANONG ang ating texter …..4491 tungkol sa kung gaanong bigat ang kakayanin ng kanyang 125 motorcycle.
Kung ang mga habal-habal at skylab ng Mindanao ay sumikat dahil sa kakayanan nito na magsakat ng maraming pasahero, hindi naman ito maaaring gawin sa mga 125cc at lalo na sa mga scooter.
Ang habal-habal ay 155cc at ang skylab ay 175cc. Paglabas pa lamang sa mga planta, malalaki na ang spokes ng mga ito.
Ang mga ginagawang habal-habal at skylab ay sinasadyang lakihan pa ang mga spokes upang kayanin nito ang mabigat na karga.
Sa mga 125cc, mayroong itinatakdang limitasyon ang mga manufacturer kung gaano lamang kabigat ang maaaring isakay dito.
Kung masyadong mabigat ang karga ng 125cc maaari nitong maapektuhan ang performance ng sasakyan.
Dahil sa disenyo ng 125cc, umiinit ang center compartment nito dahil malapit sa makina. Ito ang dahilan kung bakit hindi ipinapayo na ilagay sa center compartment ang pagkain at iba pang bagay na maaaring masira dahil sa init.
Maaari ring pasukin ng tubig ang central compartment kaya may mga pagkakataon na pinapasok ito ng tubig kapag nabugahan ng pressured water kapag nililinisan.
Kung madalas ding overloaded o mahabang biyahe na na may mabigat na karga, maaari ring mapansin ang pagyupi o pagyuko ng frame ng 125cc.
Tutol ang mga Japanese manufacturer na tatlo o apat ang sakay ng motorsiklo dahil maaapektuhan ang performance nito.
Makaka-apekto rin ito sa brake system ng motorsiklo na maaaring mauwi sa disgrasya.
Maaaring masira ang front disc ng motorsiklo kapag pumreno ng mayroong mabigat na sakay. Masisira rin ang rear drum dahil hindi kaagad mapapahinto ng brake pad ang sasakyan.
Ang overloading ng 125cc ay maaaring magresulta sa paghina ng hatak ng makina bukod pa sa pagtakaw nito sa gasolina.
MOTORISTA
‘Vulcanize’
ILANG beses ba ang vulcanize ng interior bago itapon ito?
E.F. ng Tangub
BANDERA
KUNG malalayo ang biyahe mo, dapat huwag nang i-vulcanize at palitan na lang ng bago. Ang vulcanize ay pansamantala lamang at sisingaw din ito sa di kalaunan. Kung malalapit lang ang biyahe, puwede yan. Pero, di dapat umabot ng tatlo ang vulcanize dahil sisingaw din ang mga ito at balik-flat ang gulong.
MAY reklamo ka ba sa E-10 gasoline, peke at substandard na piyesa, at ilang bagay hinggil sa fuel, lubricants, motor, atbp? I-text sa 0917-8446769
Classifieds Motor
PARA sa inyong mga riders, mechanics, motorcycle salesmen, parts distributor at insurance companies ang Bandera Motor Section Classifieds.
Puwede ninyong i-text ang inyong ibinebentang motor sa BMS Classifieds at libre ito (one liner lamang). Halimbawa: YAM Mio P40 (cell phone number). Kung gusto ninyong makipagpalit, text: SWAP XRM 2010 (cell phone number).
Kung gusto ninyong i-text ang inyong serbisyo, i-text: MECHANIC Sam (cell phone number). VINTAGE bike (cell phone number). PARTS (cell phone number). INSURANCE (cell phone number). I-text ang mga ito sa 0917-8446769