Vice, Karylle napagalitan ng mga Bossing sa ABS-CBN; nagkabati, pero plastikan lang


Marahil daw ay napagalitan o napagsabihan na ng management ng ABS-CBN at ng mga bumubuo sa It’s Showtime sina Vice Ganda at Karylle.

Bigla nga kasing last Monday ay naging extra sweet and more attentive itong si Vice kay Karylle. May mga nakarating ngang obserbasyon sa pamunuan na nagtatanong sa kung anong “something” meron ang dalawa especially daw sa part ni Vice na dedma at parang hindi daw pinapansin ang co-host.

May mga previous episodes kasing napapansin ng marami ang tila may “cold treatment” ni Vice kay Karylle and vice versa.
Well, early this week nga ay may pagbabago na raw sa pagitan ng dalawang hosts dahil  ayon sa aming mga sources and though hindi raw yun ang dating treatment ng dalawa sa isa’t isa, “At least maganda na silang panoorin ngayon kesa dati na ramdam mong may wall at tension.

Kahit plastikan lang sila, mas dapat namang magpakita sila ng unity sa show,” sey pa ng mataray na kausap namin.

Read more...