Marian gamit na gamit ni Dingdong, kawawa pag inisplitan


Sobrang showy na ngayon ng showbiz couples. Wala na silang inhibitions. Actually, sila pa ang nagkakalat ng photos nila sa social media para ipakita sa fans na in love na in love sila.

Take the case of Marian Something and Dingdong Dantes. Hindi ba’t sila ang post nang post ng photos nila sa isang island nu’ng Valentine’s Day.

Sweet moment photos nila ang piang-usapan talaga sa social media including the one taken while they were kissing underwater.  Kung meron at maraming nagkagusto sa photos nila, meron din namang parang bitter herb kung makapag-comment like this one guy who said, “Halatang gamit na gamit ni dingdong si marian..pero okei lng basta silang dalawa na sana.”

Sinopla naman ang guy ng isang hitad who said, “Panu naman gagamitin ang taong laos na? hahaha pagsure oi! buti panga c dindong blockbuster ang movie at may tvc c Marian? NGA NGA? Haha.”

Speaking of Marianita, naloka kami sa sobrang paramdam ng fans niya sa social media. Tanggol to death sila sa ad content ng teleserye niyang hindi naman nagre-rate sa number two network sa bansa.

Nag-away ang mga fans ni Marianing at nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil lang sa ad placements ng mga shows nila. Parehong ayaw magpatalo. Kesyo mas lamang daw ang ads ng soap ni Marianita.

On the issue na isang Kapuso pa ang nagkakalat ng negative about Marianita ay ito lang ang aming masasabi:  it is very objective.

Actually, marami naman talagang Kapuso staff ang nagtsitsismis about her, hindi lang sila lumalabas for fear na mawalan sila ng trabaho.

Eh, bakit naman lalabas ang chismis sa kanya kung walang pinanggalingan. Sino ba ang naglabas ng away niya kina Bela Padilla, Katrina Halili at Heart Evangelista?

Siyempre, ang mga staff nagkukuwentuhan ang mga ‘yan, nagtsitsismisan kaya imposibleng hindi nila malaman ang mga chika sa mga artists nila.

 

Read more...