May kinakabahan sa paglutang ni Matt Ranillo

MARAMI ang nagulat sa pagkakadawit ng aktor na si Mat Ranillo sa isyu ng pork barrel fund scam.

How ironic na si Ranillo na gumanap sa papel ni Hesu Kristo ay naiugnay sa krimen ng paglustay ng pera ng bayan. Kung hindi nasayang ang pondo, ilang milyong Filipino sana ang naging masaya.

Pero mukhang hindi naman si Ranillo ang most guilty kaya hindi na siguro nakakagulat kung maging isa siyang state witness para maidiin ang mga taong malaki ang kasalanan sa bayan.

Linawin lang natin na hindi natin hinuhusgahan si Ranillo na may sala lalo at wala pa naman siyang inaamin bagamat may ulat na nagsasabi na mayroon siyang feeler na gusto niyang magsalita.

Pero siguradong marami ang hindi mapakali ngayon. Parang mga hilong-talilong at parang may kung ano sa puwit kaya hindi mapakali.

Kung hindi ako nagkakamali, may naiuslat na akong balita tungkol kay Ranillo noong 2006.

Pero walang kinalaman sa pork barrel ang istorya, kundi tungkol sa pagkahulog niya sa malalim na kanal.
Napaapak siya sa konkretong takip ng imburnal malapit sa canteen ng Kamara de Representantes na nagiba kaya nahulog siya sa loob.

Walang nakatitiyak noon kung ano ang ginagawa ni Ranillo sa Kamara.

May nagsasabi na nais niyang pumasok sa isang partido dahil tatakbo siya noon sa pagka-kongresista. Hindi ko maalala kung natuloy ito.

At sa kanyang pagkakadawit sa pork barrel scam, may mga nagtatanong kung pumupunta rin kaya siya noon sa Kamara para sa non-government organization ni Janet Lim Napoles?

Mukhang walang pumapansin sa mga walang helmet na nagmomotorsiklo sa San Mateo, Rizal.

Kahit na hindi naka-helmet ay padaan-daan lang sila sa tapat ng mga traffic enforcer.

Marami rin ang mga motorsiklo na sobra ang sakay, minsan tatlo minsan apat pa — dalawa ang bata.

Sige na, hayaan na walang helmet ang mga naka-motorsiklo. Magbulag-bulagan na rin sa mga sobra ang sakay.

Pero sana sawayin naman nila ang mga menor de edad na nagmamaneho ng motorsiklo.

Ano pang saysay ng mga traffic enforcer diyan? Display? Naku kahit display yang mga yan, hindi nakatuwa.

Bakit din kaya hindi sawayin ang mga 10-wheeler truck na pumaparada sa gilid ng two-lane na Gen. Luna street?

Masikip na nga ang kalsada, pinaparadahan pa ng mga dambuhala.

At kung mamalasin ka, sisingitan ka pa ng mga ‘patok’ na pampasaherong jeepney na naghahapit para kumita.
Kung masasagi ka naman, malamang kamutan ka lang ng ulo. Buti sana kung magagawa ang sasakyan ng ‘sorry’.

Para sa komento, reaksyon, text na kayo mga ka-tropa! I-text ang pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09178052374

Read more...