Moving on yata ang mga female celebrities natin ngayon, ha. Si Kris Aquino, trying to behave when she greeted ex-husband James Yap. Kaya naman pala behave ang hitad ay dahil meron siyang suitor na ang description ay hindi kaguwapuhan, hindi kabataan pero ubod ng yaman.
Da who naman kaya siya? This guy nga kaya ang dahilan kung bakit napatawad na ni Kris si James Yap at ang sinasabi niyang reason kung bakit sobrang happy ang life niya ngayon? For sure, kahit na sinasabi ni Kris na natutunan na niya ang salitang privacy ay hindi rin yan makakatiis na ibandera ang kanyang lovelife.
Si Ai Ai delas Alas, tatahi-tahimik pero meron na rin naman daw bagong suitor. Foreigner kaya ang new admirer ni Ai Ai? Bakit parang pinakatago-tago niya? Hindi ba siya proud sa bago niyang manliligaw.
Itong si Nikki Gil din ay natsitsismis na meron nang ipinalit kay Billy Crawford. If Billy has Coleen Garcia na kasama niya sa noontime show ng Dos, ito naman daw si Nikki, as sourced by a popular website, ay isang young, eligible and rich suitor whose parents are known in the business industry.
So, their happiness, kung true ngang meron silang suitors ngayon, ay post-Valentine na.
( Photo credit to Google )