Deniece sa kissing scandal nila ni Cedric: walang malisya ‘yun!


PINAGTAWANAN lang nang bonggang-bongga ng ilan nating kababayan ang naging depensa ni Deniece Cornejo tungkol sa relasyon diumano nila ni Cedric Lee. Ito’y matapos ngang kumalat ang kanilang kissing scandal sa CCTV footage na nakuha ng NBI mula sa condo unit na tinitirahan ng kontrobersiyal na modelo sa Forbeswood Heights.

Sa isang TV interview kay Deniece, mariin nitong sinabi na walang namamagitan sa kanila ni Cedric Lee, ang tinuturong mastermind sa pambubugbog kay Vhong Navarro.

At lalong wala raw ibig sabihin ang halikan nila ni Cedric sa loob ng elevator ng nabanggit na condo unit matapos ngag ipa-blotter ng kanilang grupo si Vhong sa presinto at akusahang tinangkang gahasain si Deniece. Sey ni Deniece, walang malisya ang nasabing eksena.

Kasabay nito, tila napikon na si Deniece sa walang tigil na pambabatikos at pambabalahura sa kanya sa mga social networking sites, lalo na ang mga nagkokomento na isang malaking kalokohan ang pagsasampa niya ng kasong rape laban kay Vhong.

Sa kanyang Instagram account naglabas ng sama ng loob ang dalaga. Aniya, hindi niya ginusto ang panggagahasa sa kanya diumano ni Vhong at muling ipinagdiinan na siya ang biktima rito.

“I am explaining my side on the matter because I would like to educate the Filipino people that people are trying to undermine my character. Victim blaming is a very common practice throughout the world…

“Victim blaming is one of the main reasons that women do not want to report rape,” sabi pa nito. Dagdag pa niya, “Enough for too much below the belt black propaganda. Time to protect my family.”

( Photo credit to Google )

Read more...