May ika-2 pag-ibig (2) | Bandera

May ika-2 pag-ibig (2)

Joseph Greenfield - February 18, 2014 - 03:28 AM

Sulat mula kay Yvette, ng Barangay Buenavista, Zamboanga City
Problema:
1.      Hindi ko alam kung ako’y malas sa pag-ibig o suwerte.  Lumagpak ako sa lalaking may asawa pala.  Nang madiskubre ko na may asawa na pala ang boyfriend ko, kung anu-anong dahilan ang sinasabi niya, na parang napanood ko na sa sine at sa telebisyon.  Hindi raw niya mahal ang kanyang asawa at napangasawa lamang niya ito dahil ito ang gusto ng kanyang mga magulang.
2. Nang dumating daw ako sa buhay niya ay malaki ang kanyang ipinagbago at ngayon lang daw siya nakaramdam ng pag-ibig, kaya tunay daw ang pag-ibig niya sa akin.  At handa pa raw niyang iwanan ang kanyang misis para magsama na kami nang lubos.  Magsasama ba kami nang habambuhay?  Binobola lang ba ako ng boyfriend ko?  Kung hindi siya ang makakasama ko, sino?
Umaasa,
Yvette, ng Barangay Buenavista, Zamboanga City
Solusyon/Analaysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ang nagsasabing isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Aquarius ang iyong makikilala sa taon ding ito, kung saan, ang lalaking Aquarius na ito na isang binata ang iyong mapapangasawa at makakasama sa pagbuyo ng isang maligaya at panghabambuhay ng pamilya.
Numerology:
Ang birth date mong 13 ay nagsasabing ang lalaking makakasama at mapapangasawa mo na binata, ay nakatakdang dumating sa taon darating, sa buwan ng Hulyo hanggang Setyembre.
Luscher Color Test:
Upang matupad ang nasabing pag-aanalisa sa itaas, ang makapag-asawa ka ng binata, lagi kang magsuot ng damit na kulay violet at blue. Sa nasabing kulay ng damit, susuwertehin ka.
Huling payo at paalala:
Yvette, ayon sa iyong kapalaran panahon na upang hiwalayan mo ang kasalukuyan mong ka-relasyon na lalaking may asawa na, upang pagsapit ng taon 2015, gumanda at maging maayos na ang iyong love life. Tulad ng nasabi na sa taon 2015 sa buwan ng Hulyo hanggang Setyembre, isang binata na Aquarius ang darating, siya na ang mapapangasawa mo at makakasama habambuhay na nagtataglay ng initial na R.A.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending