Vhong marunong na uling tumawa, pagbabalik sa Showtime hiniling sa Dos


Maraming napasaya ang photo na ipinost sa Facebook fan page ni Anne Curtis na kuha sa Valentine celebration ng It’s Showtime host. For the first time kasi ay nasilayan ng netizens ang ngiti ni Vhong Navarro habang kasama sina Billy Crawford, Anne, Ryan Bang at iba pang kasamahan sa It’s Showtime.

For the past two or three weeks kasi ay pawang malungkot na Vhong ang nakikita ng publiko sa TV bunsod ng kinasangkutan nitong gulo.
Welcome change para sa fans niya ang makita siyang nakangiti sa photo na ‘yon.

Ang daming napasaya ng simple niyang ngiti na tila nagbabadya ng pag-asa.  Not surprisingly, marami ang nag-like, umabot sa 188,703. Pawang  magaganda rin  ang mga comments and all positive ang mga mensahe sa comedian-dancer.

“Vhong, msya kmi n nkita kn nmin n nkakangiti at ksama ang showtime family m. ipinagdarasal nmin n mtapos n ung kaso m magbyad ng kasalanan ung mga taong ngbaboy sau.

“Ingat nlng poh plagi lalo n poh s mga ngbaboy poh s inyo kc poh alam n nla n lalabas at lalabas ung totoo. sna poh mkita kna poh nmin s showtime mis n poh nmin ung mga moves nyo hehehe idol poh kc kta at ung dalawang anak k. sna poh mkita poh nmin kau in person s showtime poh…tnx poh…godbless poh,” one fan said.

Most of the greetings are replete with enthusiasm na makitang muli si Vhong na nasa Showtime. Gustung-gusto na nilang makitang si Vhong na nagpapasaya sa noontime show.

( Photo credit to Google )

Read more...