Heart umepal, Daniel ayaw nang mag-trunks

True kayang naimbiyerna ang manager ni Daniel Matsunaga kay Heart Evangelista?

May sexy pictorial kasi si Daniel at  pumayag na raw itong  mag-pose ng naka-trunks lamang.

May approval din ang concept  sa management company, ang Mercator. So, all set to go na ang Brapanese model sa pictorial.

Kaya lang, nang magpaalam si Daniel kay Heart ay biglang nagbago ang lahat. Biglang nagbago ng isip si Daniel at hindi na siya pumayag na magsuot ng trunks sa kanyang pictorial.

At ‘yan daw ang sinasabing reason kung bakit nainis ang manager ni Daniel kay Heart. Lumalabas kasi na parang pati ang career ni Daniel ay pinanghihimasukan ng aktres.

So, if this is true, ayaw ni Heart na ma-sight ng buong mundo ang katawan ng kanyang boyfriend sa pamamagitan ng sexy pictorial?

Read more...