May ika-2 pag-ibig

Sulat mula kay Yvette, ng Barangay Buenavista, Zamboanga City
Dear Sir Greenfield,
Hindi ko alam kung ako’y malas sa pag-ibig o suwerte.  Lumagpak ako sa lalaking may asawa pala.  Nang madiskubre ko na may asawa na pala ang boyfriend ko, kung anu-anong dahilan ang sinasabi niya, na parang napanood ko na sa sine at sa telebisyon.  Hindi raw niya mahal ang kanyang asawa at napangasawa lamang niya ito dahil ito ang gusto ng kanyang mga magulang.  Nang dumating daw ako sa buhay niya ay malaki ang kanyang ipinagbago at ngayon lang daw siya nakaramdam ng pag-ibig, kaya tunay daw ang pag-ibig niya sa akin.  At handa pa raw niyang iwanan ang kanyang misis para magsama na kami nang lubos.  Magsasama ba kami nang habambuhay?  Binobola lang ba ako ng boyfriend ko?  Kung hindi siya ang makakasama ko, sino?
Umaasa,
Yvette, ng Barangay Buenavista, Zamboanga City
Solusyon/Analaysis:
Palmistry:
Nawasak ang unang bahagi ng iyong Heart Line (Illustration 1-1 arrow 1.), pero gumanda at naayos din sa gitna hanggang dulong bahagi (arrow 2.). Ibig sabihin sa ngayon kabiguan at kalungkutan sa pag-ibig ang iyong mapapala, ngunit sa susunod na taon, unti-unti ka nang liligaya.
Cartomancy:
Ang Two of Hearts ang nagsasabing kung unang pag-ibig mo pa lang ang kasalukuyan mong karelasyon, tiyak na may darating pang ikalawa, kung saan, ang Jack of Clubs ay nagsasabing ang ikalawang pag-ibig ang higit na mas magiging masaya at panghabambuhay na, na ayon sa Three of Hearts ay nakatakdang dumating sa taon 2015.
Itutuloy….

Read more...