Luis kay Angel: Yes, I’m proudly her boyfriend!


“I’m proudly her boyfriend!” Ito ang inihayag ni Luis Manzano kahapon tungkol sa estado ng relasyon nila ni Angel Locsin. Kinumpirma ng TV host-actor na sila na nga ni Angel at maligayang-maligaya sila ngayon dahil binigyan uli sila ng chance na ituloy ang naudlot nilang relasyon.

Sa Buzz Ng Bayan ng ABS-CBN kahapon, sinabi rin ni Luis na hindi siya ang rason ng paghihiwalay nina Angel at Phil Younghusband, at lalong hindi rin daw si Angel ang dahilan kung bakit nag-break sila ni Jennylyn Mercado.

Tinawag din ni Luis na ignorante at stupid ang mga taong nagpapakalat ng chika na niloko lang nila ni Angel sina Phil at Jen. Anang binata, “We know what was the real cause of the break- up, our families, our friends know why we broke up.

Jen knows Angel is not the cause of the break up. As for them (Angel and Phil), I didnt even know nga that they broke up.” Tsaka paano raw mangyayari yun, e, hlos tatlong taon silang walang communication ni Angel at talagang kinarir nila ang pag-iwas nila sa isa’t isa noong hindi pa maayos ang kanilang samahan.

Tungkol naman sa plano nilang pagpapakasal, sinabi ni Luis na, “This year maybe not, next year, we’ll call you.”

( Photo credit to Google )

Read more...