Makakasal ba ako? (2) | Bandera

Makakasal ba ako? (2)

Joseph Greenfield - February 16, 2014 - 02:42 PM

Dina ng Barangay San Isidro, Kidapawan City
Problema:
1. Bagaman hindi ko tunay na asawa ang lalaking kasama ko, masaya pa rin ako dahil sa akin pa rin siya umuuwi. May pamilya siya sa ibang bayan. Nitong mga huling araw, hindi na siya nakakakumpleto ng pitong araw na uwi sa akin. Nang apat na araw na lang siyang umuuwi sa akin ay nagtaka at nagtatanong na ang mga tsimosang kapibahay namin.
2. Naisip ko tuloy na hindi habambuhay ay ganito na lang ako. Parang gusto ko nang paghandaan ang araw na tapos na ang aming relasyon at kailangang magsimula na ako ng bagumbuhay. Mahal ba ako ng aking kinakasama? Ang sabi niya ay makikipaghiwalay siya sa kanyang tunay na asawa.  Pero, iba na ang nangyayari ngayon, ayon sa aking impormante. Kung makikipaghiwalay ako, may binata kaya na magmamahal sa akin? Maranasan ko kaya ang ikasal sa simbahan?
Umaasa,
Dina ng Barangay San Isidro, Kidapawan City
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ang nagsasabing ka-compatible mo ang lalaking kinakasama mo na may asawa na, dahil ang zodiac sign niyang Aquarius, ay pinangingibabawan din ng elementong air o hangin.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing bukod sa tugma at compatible kayo sa Astrology tugma din ang birth date niya sa birth date mo. Ibig sabihin, tulad nan nasabi na, malabo na kayong magkahiwalay ng lalaking kinakasama mo kahit siya ay may asawa at pamilya na.
Physiognomy:
Ang buhay at malaking nunal sa kanang bahagi ng
iyong pisngi ay nagsasabing habang nakikipag-relasyon ka sa lalaking may asawa at pamilya na, dapat kang mag-negosyo ng tindahan ng bigas, grocery at iba pang kauri nito. Sa negosyong nabanggit ka yayaman.
Luscher Color Test:
Gumamit kang lagi ng kulay na pula, upang kahit na nakikipag-relasyon ka sa lalaking may asawa na, patuloy na umunlad at lumago ang kabuhayan mo sa aspetong pang-materyal.
Huling payo at paalala:
Dina, may iba’t-ibang suwerte ang bawat tao, sa kaso mo suwerte ka sa aspetong pang-materyal sa lalaking kinakasama mo kahit siya ay may asawa na. Ayon sa iyong kapalaran, malabo na kayong magkahiwalay. Ganon pa man, upang makatiyak ng “financial security” sa kinabukasan, tulad ng naipahayag na sa itaas, ang dapat mong gawin sa ngayon ay magpayaman. Sa ganyang paraan, kapag nagkahiwalay kayo ng lalaking kinakasama mo, mananatili ang maganda at masaganang kalagayan ng iyong buhay sa aspetong pang-materyal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending