Tili ng kampo ni Vhong: Deniece Cornejo sinungaling…sooo kapal!


Nagkaroon na naman ng panibagong sanga ang napakalaki nang puno ng kontrobersiya sa pagitan ni Vhong Navarro at ng kampo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo sa paglabas ng video ng CCTV camera ng condo unit na tinitirhan ng babae kung saan ito hinahalikan nang dalawang beses sa may leeg ni Cedric Lee sa loob ng elevator.

Kinukuwestiyon ng kampo nina Cedric at Deniece ang footage, bakit daw pati ‘yun ay binibigyan ng ibang pakahulugan ng mga kumakampi sa actor-dancer-TV host, samantalang nagkakaladyaan lang naman sila?

Kasabay nu’n ang pagbasura naman ng husgado sa hiling ni Deniece Cornejo na Temporary Protection Order (TPO) at gag order din sa kampo ni Vhong dahil sa kawalan ng merito.

Agad kaming nakatanggap ng mensahe tungkol du’n na ganito ang sinasabi, “Napakakapal naman talaga ng mukha ng babaeng ‘yun para siya pa ang humingi ng TPO. Bakit? Siya pa ba ng nahihintakutan kay Vhong ngayon?

“Pagkatapos mabugbog nang walang kalaban-laban nu’ng tao na sino pa nga ba ang gumawa kundi sila rin, e, siya pa ang makakaramdam ng takot ngayon? Paliguin mo nga sa pulot ang babaeng ‘yun?

“Natatakot daw siya sa puwedeng mangyari? Sus! Si Vhong ang dapat matakot, siya ang nadehado sa laban, siya ang nasaktan nang walang kalaban-laban, siya ang puwede uling saktan!” madiing mensahe ng aming kakilalang abogado.

Nasa basurahan na rin ang gag order na hiniling ng kampo ng babae laban sa kampo ni Vhong, gusto nilang manahimik na lang ang panig ng aktor sa naganap, meron kaya silang ikinatatakot na senaryo na maaari pang lumabas habang gumugulong ang imbestigasyon?

Sa totoo lang, sino ba ang nagpainterbyu agad sa lahat ng istasyon nu’ng magsalita na si Vhong tungkol sa pagkakabugbog sa kanya, sino ba kasi ang akala mo may ipino-promote na pelikula sa pag-iikot sa mga network nu’ng mga unang araw ng iskandalong ito?

Ang kalaban na ngayon nina Cedric Lee at Deniece Cornejo ay ang kanilang mga salita na mismo at hindi na si Vhong Navarro. Sa totoong-totoo lang.

( Photo credit to INS )

Read more...