Daniel inalipusta ng bashers, Karla rumesbak | Bandera

Daniel inalipusta ng bashers, Karla rumesbak

Ervin Santiago - February 16, 2014 - 03:00 AM


Nabasa namin ang ginawang pagtatanggol ni Karla Estrada sa mga bashers ng kanyang anak na si Daniel Padilla. May lumabas kasing chika na nagalit ang ilang fans ng Kapamilya heartthrob dahil inisnab nito diumano ang block screening ng “Pagpag” na insponsor ng Kathniel supporters.

Narito ang sunud-sunod na tweet ni Karla para depensahan ang anak: “Gaano ka ba ka lalim bilang fan or supporter? Nasusukat ba ang pagmamahal mo sa sinusuportahan mo? Malawak ba ang pang-unawa mo? O makasarili ka lang?”

Dugtong pa nito, “Ang sakripisyo ay ang pagtratrabaho halos araw araw at halos tatlong oras na tulog para magpasaya sa pangkaramihan, sana dun sinusukat ang pagmamahal at pagsuporta hindi sa mga bagay na loob ng isang taon limang beses lang halos nakakawala at nag papakanormal.”

“Para sa akin bilang supporter ng isang artista at tagahanga, hindi ko kayang husgahan ang idol ko dahil ako’y kanyang pinasaya ng ilang taon. Halos mamatay para lang mapasaya kaming lahat.

Kaya kung may pagkakataon na kahit isang araw lang na hilingin ng idol ko na huminga baka ako pa mismo ang magbigay sa kanya nun. Lawakan pang unawa mga kapatid, hindi tayo Diyos para manghusga,” pagpapatuloy pa ng nanay ni Daniel.

Sey pa nito, “Ganun pa man, maraming maraming salamat sa mga fans at supporters na tunay na kahit daliri ng anak ko ay hindi pa nahahawakan pero buwis buhay ang pagmamahal. Salamat sa inyo na hindi nagmando at nanghusga.”

Pero may isang hirit pa ni Karla, “Relax lang ako wag kayong mag alala at least ngayon alam ko sino sino ang pulido at tunay, salamat mga anak.”

( Photo credit to INS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending