Ate Vi minamadali nang magka-baby sina Angel at Luis


Usapang politika pa rin, mukhang mauunahan pa ni Luis Manzano ang kanyang ama na si Edu Manzano na magkaroon ng posisyon muli sa public office. We heard todo-todong pagkumbinse raw ang gagawin ng ina ni Luis na si Batangas Gov. Vilma Santos na tumakbong Mayor ng Lipa.

Sure winner si Luis diyan, siyempre. Habang si Edu naman ay may tsika na tumakbo ulit sa susunod na eleksyon sa isang lalawigan. Ilang beses na ring sumubok si Edu na makapasok ulit as a public servant pero ‘di pa rin siya pinapalad na manalo.

Ayaw naman daw pangunahan ni Gov. Vi sa plano ng anak na wedding sa nakabalikan niyang girlfriend na si Angel Locsin. Basta masaya raw si Gov. Vi na happy na ulit si Luis. And if ever, mamadaliin na rin ni Gov. Vi sina Luis at Angel na bigyan siya ng apo.

( Phtoo credit to Google )

Read more...