Sigaw ng galit na galit na fans ni James: Kris ang kapal!


Nagpakitang-gilas si James Yap sa Games 7 nila ng Ginebra, nanalo ang San Mig, ang ama ni Bimby ang isa sa mga itinuturing na susi  kung bakit tinalo nila ang sinasabing pambansang koponan.

Nanood ang kanyang girlfriend na si Michaela Cazzola, inspirado siyempreng lumaro ang pambato ng kanyang team, mukhang magandang mag-alaga ang Italyana dahil nakakundisyon si James Yap.

Maraming naiinis para sa basketbolista dahil nagsalita raw si Kris Aquino na kaya gumanda ang kanyang laro ay dahil sa binati na nito ang ama ni Bimby, naiinis kay Kris ang mga tagahanga ni James, inaako na naman daw kasi ng aktres-TV host ang kredito ng pananalo ng koponan ng kanyang ex.

Tawa lang kami nang tawa nang makatanggap kami ng mga mensahe sa aming programa sa radyo (92.3 News FM-AKSYON TV-41), galit na galit kasi kay Kris ang mga fans ni James, hindi na lang daw kasi ito manahimik tutal naman ay matagal nang isinuka ng aktres ang kanilang relasyon ng sikat na basketbolista.

“Ang kapal naman ng face ng babaeng ‘yun para sabihing sinuwerte lang daw si James at nakapaglaro nang maganda dahil binati na raw kasi niya! Sooooo kapal!

Kunin ba ang credit na hindi naman kanya?” sabi ng isang mensahe sa “Cristy Ferminute”. Hindi pa rin sanay kay Kris ang marami nating kababayan, hanggang ngayon ay tinatablan pa rin ang marami sa kanyang mga patutsada, matagal nang ganu’n si Kris, kapag hindi ito lumulutang sa usapan ay gagawa at gagawa ito ng paraan para mapahalo sa kuwentuhan ang kanyang pangalan, marami na ring sanay sa kanyang ugaling ganu’n.

Kaarawan kahapon ni Kris Aquino, ngayon naman ang mismong kaarawan ni James Yap, kasama ngayon ng basketbolista ang kanyang anak na si Bimby at pati raw si Josh.

( Photo credit to E Santiago )

Read more...