Speaking of Sam Milby, wala pa siyang Valentine date kahapon dahil wala pa rin siyang girlfriend. At dahil dateless at loveless siya ay ang mismong supporters niya ang gumawa ng paraan para pasayahin ang aktor kahapon sa Prost Bar and Restaurant sa The Fort na part-owner si Sam.
Tsika sa amin ay nagtipun-tipon ang supporters ng aktor na nanggaling pa sa malalayong lugar para makita at makatsikahan siya kaya naman natuwa si Sam at nangakong hindi magbabago ang mga ito.
Ang nakakatuwa ay ang supporters pa ang nag-uudyok sa aktor na magdyowa na dahil gusto naman nilang makitang may ka-date na ang binata. sa susunod na Valentine’s day.
At heto pa, karamihan din sa pumuntang supporters ni Sam ay mga fans pa ng loveteam nila ni Anne Curtis. Ha-hahaha! Kaya nga tuwang-tuwa ang mga ito nang malaman nilang magtatambal uli sa Dyesebel ang dating magkarelasyon.
Anyway, tanggap naman daw ng fans na hindi na magkakabalikan sina Sam at Anne dahil may boyfriend na ang aktres at alam nilang masaya na ito kay Erwan Heussaff.
Okay na raw sila na magkatrabaho ulit ang dalawa sa Dyesebel at sa pelikulang “The Gifted” mula sa Star Cinema at Viva Films.
Pero may mga ilan pa ring nagsasabi na hangga’t hindi pa ikinakasal si Anne kay Erwan ay posible pa ring magkabalikan si Dyesebel at si Sam.
( Photo credit to Google )