DINAMPOT ng mga pulis ang isang 86-anyos na lalaki dahil sa umano’y panghahalay sa isang menor de edad, sa Matnog, Sorsogon, kamakalawa.
Nadakip si Pableo Gallanosa, balo, sa kanyang bahay sa Brgy. Pawa alas-12 ng tanghali, ayon kay Chief Insp. Nonito Marquez, tagapagsalita ng Sorsogon provincial police.
Isinagawa ng Matnog Police ang pag-aresto sa bisa ng warrant na nilabas ni Irosin Regional Trial Court Branch 55 Judge Fred Jimena para sa kasong rape in relation to Republic Act 7610 (Anti-Child Abuse Law), ani Marquez.
Dahil sa naturang kaso ay itinuring si Gallanosa bilang ika-7 sa top 10 most wanted persons sa Matnog.
MOST READ
LATEST STORIES