Sex di puro kaligayahan lang

BINABATI ko ng HAPPY VALENTINE’S DAY! kayong lahat aking mga ka-tropa dito sa Barangay Kalusugan. Araw ito ng pagpapa-alala sa ating lahat na ang pagmamahal ay napakahalaga sa kalusugan ng tao, pagmamahal sa Diyos, sa kapwa at sa buhay, at panghuli lamang ang pagmamahal sa sarili. Ngayon, tunghayan natin ang ilang tanong ng ating mga katropa.

Ano po ba ang makakabuti sa akin na family planning? Tatlo na po ang anak ko. Sana matulu-ngan ninyo ako. Sana masagot ninyo ako. Salamat po. – Ren, 18, Makati, …2847
Hi Ren, napakabata mo pa at sigurado ako sa fertility potential mo.
Maganda pa rin ang (NFP) Natural Family Planning methods kaysa sa Artificial Contraception dahil ikaw ay nagkakaroon ng pagtingin sa iyong
resposibilidad sa iyong ginagawa lalo na sa sexual activity. Ang sex ay hindi puro kaligayahan lamang, ito ay may kaakibat na consequences at kinakailangan na matutunan mo. Gamitin ito ng maayos.
Ang Artificial Contraception ay epektibo subali’t hindi ka natuturuan ng
real sense of responsibility. Gayunman, maaari kang kumunsulta sa health center na malapit sa inyo para maturuan ka ng NFP
(Editor: At para maituro rin nila sa iyo ang iba pang uri ng family planning na maaari mong pagpilian).

Maaari po bang uminom ng Vitamin B complex ang taong may maintenance katulad ng elanapril 5mg, atovarstatin 80mg at amlodipine 5mg at pati na rin po ang aspirin 80mg.? Thank you po. — ….9476

Wala namang bawal sa pag-inom ng Vitamin B Complex habang umiinom ng maraming gamot. Ang epekto lang ay ang Gastric Irritation na maidudulot ng pag-inom ng napakaraming gamot. Mayroon kang Hypertension, Hyperlipidemia at Stroke potential base sa mga gamot na iniinom mo. Ikaw ba ay overweight and overfat? overstressed? sedentary? smoker? alcoholic? unforgiving?

Doc, paano po ba malalaman na nakulam ka? Salamat po. — …. 3737
Ang kulam sa aking pananaw ay ang pagsuklob at pangingibabaw ng negatibong enerhiya sa isang tao (Physical Soul-MIND) na kulang sa Positibong Enerhiya. Ang dahilan nito ay ang desisyon ng kaisipan na mag-ipon ng mga negatibong pag-iisip, negatibong damdamin, kakulangan sa Paniniwala sa Diyo, at ang pagbibigay ng oportunidad sa kasamaan na mangibabaw kaysa sa kabutihan.
Malalaman mo na nakulam ka kung ikaw ay nawawalan ng kusang pag-iisip (oppressed mind due to lost of free will), sinapian ka na kung saan ang iyong pag-iisip at pag-uugali ay wala sa rason (irrationality).
Sa mga taong may ta-lentong makaramdam ng enerhiya, positibo man o negatibo, (Psychic, Seer, Healers, Exorcist etc), madali lang malaman kung may kulam o wala.
Ang kakulangan ng kaalaman ay madalas na humahantong sa paghuhusga na ang tao ay kinukulam.
Mali ang paghuhusga na ito dahil nawawalan ng pagkakataon na gamutin ang pisikal at “psycho-emotional” status ng biktima.

 

Read more...