NAKUMPLETO ng NLEX ang kanilang misyon habang dadaan sa sudden death ang Blackwater Sports sa PBA D-League Aspirants’ Cup semifinals kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Winalis ng Road Warriors ang baguhang Hog’s Breath Café, 85-72, para marating ang champion-ship round sa ikaanim na sunod na pagkakataon sa ganito karaming PBA D-League conferences.
“We started strong and we stuck to our game plan and I’m glad this is over,” pahayag ni NLEX coach Boyet Fernandez.
Pero maghihintay pa ang Road Warriors ng makakalaban dahil natalo ang Elite sa Big Chill, 95-84, sa Game 2 kahapon.
Gumana si Dexter Maiquez sa pinakawalang 25 puntos habang sina Junemar Baloria at Jeckster Apinan ay naghatid ng tig-13 puntos para sa Superchargers na lumayo sa ikalawang yugto bago isinantabi ang tangkang pagbangon ng katunggali.
“The players showed their character and they played with a lot of heart. They didn’t back down and made the big plays in the end,” pahayag ni Big Chill coach Robert Sison.