Kahit nagpapatawa, halata sa mga mata ni Vice Ganda ang kalungkutan sa taping ng Gandang Gabi Vice last Wednesday. Apektado ng husto si Vice sa matinding pagkakasakit ng kanyang lola bago siya umalis ng bansa for a show sa London.
Mula sa taping ng Gandang Gabi Vice, dumaan muna si Vice sa hospital to see his Mamang bago pumunta ng airport at umalis ng bansa. Pero nu’ng tinitipa na namin ang kolum na ‘to, nabasa namin sa Twitter account ni Vice na nakatanggap siya ng message from Manila na okey na ang lola niya at inilabas na sa ICU.
Sa huling tweet ni Vice, mas ginanahan na raw siyang mag-perform at ang taas na ng energy level niya sa show niya sa London.
Now we all know na si Deo Endrinal na ang bagong manager ni Vice. Iniintriga naman ng iba na may kinalaman ang best friend ni Vice na si Kris sa pagkuha niya kay Deo bilang kapalit ni Ogie Diaz na manager niya.
Prior to this, nagsalita si Kris na payag siya na magkaroon sila ng show together ni Vice. Kaya lang tiniyak na niya na mahal ang cost ng show dahil sa laki ng talent fee nila ni Vice.
Dahil iisa na ang manager nina Kris and Vice, ‘di na imposible na baka ngayon pa lang ay binubuo na ang show na pagsasamahan nila sa ABS-CBN.
Sakto naman at nakasalubong namin ang executive at manager ni Kris na si Deo sa hallway ng ABS-CBN. Doon ay nalinaw niya sa amin na ‘di siya ang direktang manager ni Vice kundi ang ABS-CBN.
He’s just representing ABS-CBN kay Vice na parang tulad din ni Johnny Manahan ng Star Magic. And then, Deo will assign a handler or a road manager for Vice na siyang kasama-kasama nito sa mga commitments.
Tinanong din namin si Deo kung how many percent ang kukunin ng ABS-CBN as commission kay Vice. Ayon sa kanya, tulad din sa artists ng Star Magic ang magiging basehan ng pagkuha ng komisyon kay Vice at magbabawas lang kapag P100,000 and up ang makukuha nilang project para sa bagong Box-Office King.
Speaking of Kris, four straight days siyang nag-shoot for “Segunda Mano” last week. And last Sunday, nasa pictorial naman siya ng endorsement ni Bimby para sa summer ad campaign nu’ng product.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.