NGAYONG ang kaarawan ng Queen of All Media na si Kris Aquino at wala siyang malaking handaan tulad ng mga nakaraang taon dahil mas gusto na lang niyang mag-share.
Pero base sa post niya sa kanyang Instagram account kahapon, sinabi nitong, “I’m taping kristv & they r busy preparing my birthday sharing. Going to Our Lady of Sorrows tomorrow (my Mom & Dad got married there) then Corazon C Aquino Elementary School.
“I have been blessed beyond my expectations so tomorrow (ngayong araw) on the eve of my birthday I want to spread the love & share my blessings. I chose venues connected to my Mom because on my birthday I want to pay tribute to her,” ayon pa sa TV host-actress.
Pagkatapos ng gift-giving ni Kris ay diretso naman siya sa ABS-CBN para sa Aquino-Abunda Tonight nila ngayong gabi, ang special guest nila ay walang iba kundi si Vice-President Jejomar Binay.
Samantala, dahil maraming bitin sa kinse minutos ng Aquino-Abunda Tonight, balitang gagawin na itong 30 minutes.