Ina na paralisado ginahasa ng anak

SWAK sa kulungan ang hinihinalang adik na gumahasa sa sariling ina, na paralisado, sa Taguig kamakailan.
Nahaharap sa kasong rape at incest ang suspek, 21, residente ng Creekside, Brgy. Hagonoy.
Naniniwala naman ang pulisya na sabog sa droga ang suspek nang halayin ang sariling dugo’t laman noong Biyernes ng gabi.
Ayon sa biktima, 39, naganap ang insidente makaraan silang mag-inuman ng anak sa kanilang tahanan alas-9.
Sa kanyang salaysay kay PO3 Cynthia Nanggan ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Taguig police, matapos ang inuman ay gumamit ng shabu ang suspek.
Habang lango sa droga ay pinasok ng suspek sa silid ang ina, binusalan ang bibig at puwersahang ibinaba ang short pants at panty bago patayong hinalay.
Hindi umano makapanlaban ang ginang dahil paralisado ang kalahati ng katawan matapos ma-stroke.
Matapos ang panghahalay ay nagtatakbong palabas ang suspek subalit nakapagsumbong ang biktima sa mga opisyal ng barangay.
Nasukol ang suspek habang nagtatago sa bahay ng kapitbahay.

Read more...